TALAGANG nagbababad sa panonood ng UAAP ang isang showbiz gay, at mukhang masyadong matindi ang kanyang crush sa Tisoy na player ng isang university. Pogi naman si cager, at magaling maglaro. Naalala tuloy namin ang isang showbiz personality noong araw na ganyan din sa NCAA, na naging syota ng isa sa pinakamahusay at pinaka-poging collegiate cager noong araw.
Ganyan lang naman talaga ang basketball at showbiz. Kadalasan ay nagkakahalo talaga.
Hindi ba may panahon pang ang mga poging cagers pumasok din sa pelikula? Naging leading man pa nga ni Ate Vi noon iyong si Francis Arnaiz na gumawa rin ng pelikula kasama si Miss Aruba.
HATAWAN
ni Ed de Leon