Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serye ni Angel, lalo pang lumakas; Tinalo ang FPJAP ng isang araw

SUMIPA pa ang serye ni Angel Locsin bago natapos. Hindi lamang niya dinikitan, kundi kahit na sabihin mong isang araw lang, tinalo niya ang four year top rater na Ang Probinsyano.

Maipagmamalaki iyon kahit na sabihin mong minsan lang. Tinalo mo iyong apat na taon nang araw-araw na top rater.

Pero tama naman siya sa pagsasabing kaya naman nangyari iyon ay dahil napakalakas nga ng Ang Probinsyano, at walang dudang nagkakaroon ng spill over sa kasunod na programa ang audience share niyon. Iyan din siguro ang inaasahan nila, magkakaroon ng spill over sa kasunod na programa ng Ang Probinsyano ng kanyang audience share kaya matutulungan nang husto ang kasunod na serye kahit na anim na taong nawala sa telebisyon si Judy Ann Santos.

Pero maaasahan mo nga ba ang spill over lang?

Dapat nilang tanggapin na ang makakatapat niya ay isang serye na ang bida ay si Alden Richards, na kung tawagin ngayon ay Asia’s Multi Media Star, at may pelikulang sinasabing nakapag-akyat ng pinakamalaking box office record of all time. Ang naging problema nga lang, mukhang nasilat din si Alden nang hindi na si Kathryn Bernardo ang kasama, itinapat pa nga sa serye ni Angel. Hindi niya nakayanan.

Isa pang nakikita namin, lumalabas ngang parang mas bida pa iyong si Jo Berry kaysa kay Alden. Mas mapapel siya eh. Lumalabas sa ngayon na siya ang leading lady ni Alden sa serye.

Magaling namang artista iyong si Jo Berry, pero sana ilalagay naman nila sa tamang status. Hindi mo siya maaaring isabak sa primetime kahit na sabihin mong si Alden ang bida. Masyado naman nilang pahihirapan si Alden. Mabuti sana kung bumagsak iyan at makagawa ulit ng isa pang pelikulang kasama si Kathryn, eh paano kung hindi na?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …