Friday , November 15 2024

Grace Poe, walang alam!

NILAGDAAN ni Pang. Rodrigo “Digs” Duterte, kamakailan, ang Republic Act 11458 na nagpapalawak sa RA 53 at kilala rin sa tawag na Sotto Law.

Sakop na ngayon ng batas ang mga nasa broad­cast at online media na hindi maaring pilitin ninuman – maging ng hukuman – na isiwalat ang source na pinag­mulan ng naisapublikong impormasyon, kompara sa dati na limitado lamang sa mga peryodista.

Hindi kasali sa RA 11458 na itago ng mga nasa media ang source o tao na pinanggalingan ng impormasyon kapag ang issue ay magsasapanganib sa pambansang seguridad, tulad halimbawa ang tungkol sa kontrobersiyal na “Frigate Deal” sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ngayo’y Sen. Bong Go na inimbestigahan sa Senado.

Sa pagkakatanda natin, noong reporter pa ng isang pahayagan si dating yumaong Tourism Minister Jose D. Aspiras ay ipinabilanggo siya matapos tumanggi sa utos ng hukuman na ibunyag ang kanyang impormante, pero sa utos ng Korte Suprema ay pinalaya rin.

Malaking pagkakamali at mapanlinlang na sabihing magagamit na proteksiyon ng mga nasa print at broadcast media ang nabanggit na batas.

Sa kanyang pahayag ay mismong si Grace Poe na rin ang nagsabing hindi mapoprotektahan ng nasabing batas ang mga nasa media laban sa kasong libelo, aniya:

“The legislation could not be used to protect a person from libel but it would protect media practitioners from being compelled or forced to reveal their sources.”

Kung uunawaing mabuti, ang batas ay tuwirang nagbibigay ng proteksiyon sa mga impormante upang mapangalagaan ang kanilang seguridad.

Kapakanan ng mga impormante ang talagang ginagarantiyahan sa RA 11458 at lumang Sotto Law (RA 53), hindi ang media practitioners.

Ang naturang batas ay nag-uutos sa media practitioners na mangalaga sa kanilang impormante at nag-uutos sa hukuman na huwag pipilitin ang sinomang nakasuhan na ibunyag ang pangalan o katauhan ng source sa kasong libelo.

Kay Poe at sa mga mambabatas na may akda ng batas, kung maaari lang ay huwag n’yong igawa ng utang na loob na dapat tanawin sa inyo ang mga nasa media sa ilalim ng RA 11458 at lumang Sotto Law (RA 53).

Naalala tuloy natin, mahigit anim na taon ang nakararaan ay ginamit na deodorizer ni Grace Poe sa pagtakbo ang pagpasa sa Freedom of Information (FOI) Bill.

An’yare sa FOI, Sen. Poe?

‘KONTRA-PARTIDO” BALANSENG PROGRAMA SA DZRJ-RADYO BANDIDO

NGAYONG umaga ang simula ng ”Kontra-Partido” ang bagong programa na inyong mapapakinggan sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz/AM).

Inaanyayahan po namin ang lahat na pakinggan ang live broadcast ng Kontra-Partido na sabayan din mapapanood sa Sky Cable Channel 224 at TV Plus nationwide.

Makakasama po natin bilang co-anchor ang batikang broadcast commentator na si Tita Carmen Ignacio sa balanse at makabuluhang pagtalakay sa mahahalaga at napapanahong isyu sa bansa tuwing umaga, 7:00 am – 9:00 am, Lunes hanggang Biyernes.

Ang public affairs-commentary program na Kontra-Partido ay tatampukan din ng mga sariwang ulat na ihahatid ng buong puwersa ng DZRJ-Radyo Bandido field reporters.

Ang Kontra-Partido ay masusubaybayan din saanman bansa sa mundo via live streaming sa Facebook at You Tube.

Bukas ang Kontra-Partido na itampok ang anomang sumbong na maaaring itawag sa landlines at text lines ng DZRJ.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pagtitiwala sa bago nating programa!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *