Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panahon ng pagtugis, pag-aresto

NATAPOS na noong Huwebes ang 15 araw na palugit na ibinigay ni President Duterte para sumuko ang 2,000 presong sentensiyado sa karumal-dumal na krimen na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Halos 1,000 rin ang mga sumuko. Ngayon, ang mga hindi pa sumusuko ay puwede nang tugisin, arestohin at barilin kung kinakailangan dahil lumaban sa mga awtoridad na naatasang humuli sa kanila.

At take note, ang bawat isa sa mga naturang pag-aresto ay warrantless arrest. Ang tanong ng marami ay legal ba ang naturang mga pag-aresto?

Ayon sa ating Konstitusyon, tatlo lamang ang sitwasyon na pinapayagan ang warrantless arrest – kapag nakita mong ginagawa ang krimen sa harap mo; kapag may personal knowledge ka sa krimen na ginawa; o kaya ay takas o umeskapo sa batas ang huhulihin.

Kung inyong mapupuna, sa mga nabangggit ay walang napapasok sa sitwasyon na kinabibilangan ng mga sentensiyado na napalaya dahil sa GCTA.

Gano’n pa man, ang sabi nga nila, ang utos ng Pangulo ay hindi mababali at ang utos ni President Duterte ay hulihin ang mga sentensiyadong napalaya dahil sa kapabayaan ng ilang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

***

Nauna rito, sinuspende ng Office of the Ombudsman nang anim na buwan nang walang suweldo ang 27 opisyal at personnel ng BuCor dahil sa gross misconduct, gross neglect of duty dahil sa paglaya ng mga sentensiyado sa heinous crimes bunga ng GCTA at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Ayon sa Ombudsman, nilabag ng naturang mga opisyal at personnel ang Revised Penal Code sa kuwestiyonableng paglaya ng mga senten­siyado.

Mukhang malakas daw ang mga ebidensiyang nakalap dahil sa mga testimonya ng testigo at publikong mga dokumento na nagpapakita na may anomalya ang paglaya ng mga preso.

Lumalabas na nagkaroon talaga ng matinding anomalya at pang-aabuso sa pagpapatupad ng GCTA na ang mga nakinabang ay mga itinuturing na corrupt sa BuCor.

Nangangahulugan lamang na kailangan din ng matinding imbestigasyon at balasahan sa mga kawani ng BuCor. Ang mapatutunayang sangkot sa katiwalian ay dapat sibakin sa puwesto at huwag nang payagang makapagtrabaho muli sa gobyerno.

Alalahanin na umabuso sila sa kapangyarihan at sinamantala ang puwesto para sa pansarili nilang kapakinabangan. Dalain sila para huwag na itong maulit o pamarisan pa ng ibang kawani ng gobyerno.

Lagi na lang bang magiging laman ng mga balita sa pahayagan at telebisyon ang korupsiyon at pang-aabuso ng ilang mga kawani ng gobyerno? Mahiya naman kayo!

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …