Monday , December 23 2024

Human smuggling at ‘Kambingan’ ni alyas “Joseph” sa DMIA-Clark

MASUWERTENG nila­lang itong si Commis­sioner Jaime Morente, walang mambabatas sa Senado at Kamara na interesadong imbes­tigahan ang talamak na human smuggling, ang dating ‘tabakohan’ ng mga tiwaling kawani at ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa mga nakaraan ay natalakay natin ang garapalang sindikato ng “escort service” sa palusotan ng ‘Pinoy tourist workers’ sa NAIA, ilang buwan na ang nakararaan.

Matapos mabulabog ang tabakohan, inakala nating tapos na ang raket, pero mali pala tayo.

Nabalitaan natin tuloy at nalipat lang pala ang malakasang human smuggling ng Pinoy tourist workers na pinalulusot patungo sa mga bansa ng United Arab Emirates (UAE) para magtrabaho.

Sa Macapagal International Airport (DMIA) sa Clark, Pampanga talamak ang salyahan ng undocumented Pinoy workers, pati na ang pagpasok ng mga ‘Kambing’ mula sa bansang India.

Kaya naman tiba-tiba si “Joseph,” ang may hawak ng tabakohan sa DMAI-Clark.

Sa Pinoy tourist workers pa lang, hindi bababa sa halagang P800K ang pinakamaliit na kita ni Joseph kada araw.

Bawa’t araw, 20 Pinoy tourist workers ang pinakamatumal na bilang ng napapalusot ni Joseph patungong UAE, katumbas ng singil na P40-K kada ulo.

Pero may araw na dagsa ang mga pasa­herong umaalis kaya naman mas malaki ang kita ni Joseph sa pamamagitan ng mga alaga niya na travel agency ang gamit sa illegal recruitment at deployment ng undocumented overseas workers at Pinoy tourist workers sa UAE.

Hindi pa kasama riyan ang limpak na kita ni Joseph sa pagpasok ng mga Kambing, ‘este, Bombay na restricted nationality mula sa India.

Ipinangangalandakan daw ni Joseph na nagre-remit siya ng income sa main office ng BI mula sa kita ng kanyang ‘human smuggling’ at ‘Kambingan’ sa DMIA-Clark.

Aba’y, baka naman walang kamalay-malay niyan si Morente na matagal na siyang binabambo ni Joseph sa ulo!

Baligtad yata, bakit imbes NAIA ang ilipat ay human smuggling ng Pinoy tourist workers ang inilipat sa DMIA?

 

BI 79TH ANNIVERSARY NABABOY SA INTRIGA

MAGULO raw ang idinaos na pagdiriwang ng BI, hindi raw kasi nasunod ang inihandang programa sa katatapos na ika-79 na anibersaryo ng ahensiya.

Punong-puno ng intriga, pati na ang pagga­gawad ng award sa mga opisyal at empleyado ng BI dahil nga nabalewala ang effort ng orga­nizing committee na itinalaga.

Una, hindi alam kung bakit si Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra ay hindi nakadalo o sadyang umiwas sa mahalagang okasyon ng BI.

Ipinagtaka rin ng mga mababang empleyado ang hindi pagkakabanggit sa mga napiling awardees sa kanilang hanay.

Suspetsa nila, si BI Admin Chief Mary Ann Caranto ang promotor na nagmaniobrang baguhin ang programa.

Buong akala raw marahil ni Caranto, siya ang mapipiling awardee bilang Division Chief of the Year ng BI na napunta kay Jun Jun Gueverrro, hepe ng Immigration Regulation Division (IRD).

Kung totoo ang hinala kay Caranto, bakit kailangan idamay at personalin ang programa?

Payo natin kay Caranto, kung nais niya ng award ay magpasabi lang siya sa atin para kahit sampung plaque ay maipagpagawa natin siya ng “Karumal-Dumal Award” sa Claro M. Recto.

 

‘LAPID FIRE’ MAPAPANOOD SA SKY CABLE AT TV PLUS

SA mga hindi pa nakaaalam, ang ating programang “Lapid Fire” na napapapakinggan sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz./AM), 10:00 pm to 12:00 mn, Lunes hanggang Biyernes, ay sabayan nang napapanood sa Sky Cable Ch. 224 at TV Plus.

Maraming salamat po sa pagtangkilik!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *