DUMATING ang isang kilalang actor sa isang hotel sa Tagaytay, at kumuha ng isang room para sa isang araw na stay. Natural lang naman iyon sa hotel na iyon lalo na kung weekends. Uso ngayon iyang mga ganyang “staycation”.
Naging usap-usapan dahil makalipas ang isang oras na may dumating na isang babae, may edad na at kilalang isang dental practitioner na nagsasabing expected siya ng actor, ok naman kaya pinayagan siyang magpunta sa room ng actor. Umaga na nang lumabas ang dentista sa kuwarto ng actor. Tila todo ang ginawa nilang “prophylaxis”. Marami nga bang mineral deposits ang ngipin ng actor at inabot nang magdamag ang dentista sa kanyang hotel room?
Wala kaming iniisip na masama ha. Nagpalinis lang siya ng ngipin. (Ed de Leon)