Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Movies Cinema

Kita ng mga pelikula sa festival, sisiw pa rin

KUMITA na raw ang festival ng mga pelikulang indie nang mahigit na P88-M at iyon ay sa loob ng tatlong araw. Tuwang-tuwa sila, aba eh kung wala silang festival baka hindi kumita ng kahit na P1-M ang mga iyan, at mabuti nga kung may makuhang sinehan ang mga iyan.

Ngayon, dahil sa ipinaiiral na regulasyon, lahat ng sinehan obligadong sila lang ang palabas. Kung iisipin ninyo na ang lahat ng sinehan sa Pilipinas ay kumita lamang ng P88-M sa loob ng tatlong araw, ang sasabihin ninyo “sisiw iyan.”

Bakit hindi sisiw, iyong pelikula ni Kathryn Bernardo kumita ng P62-M sa unang araw. Sa ikalawang araw, kumita na nang mahigit na P100-M. Isang pelikula lang iyon, at hindi lahat ng sinehan iyon, mahigit na 300 lang.

Aba eh kung ganoon, bakit pa ako gagawa ng festival? Gumawa na lang tayo ng pelikulang kagaya ng ginawa ni Kathryn. Hindi man ganoon kalaki ang kitain, hindi naman kasing sisiw ng kita ng indie. Ang problema ng industriya, alam naman nila kung anong pelikula ang gusto ng tao. Alam nila kung ano ang kikita. Pero sa katigasan ng kanilang ulo, o masasabing kayabangan na rin, ipinagpipilitan nila ang mga pelikula nilang ayaw tangkilikin ng masa.

Iyan ang dapat baguhin, iyong kaisipan ng mga gumagawa ng pelikula. Kasi iyong kaisipan ng masa, ano man ang gawin ninyo, magpabale-balentong man kayo hindi na ninyo mababago iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …