Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, kabado sa unang pagbibida

HINDI inakala nI Kim Molina na darating siya sa puntong mabibigyan ng pagkakataon na magbida sa pelikula. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya sa kanyang home studio, ang Viva Films sa pagkakataong pagbidahan ang Jowable na unang sumikat at nag-viral sa Facebook.

Kuwento ni Kim sa mediacon ng Jowable, gusto lang niya ang kumanta hangang sa napasama sa Rak Of Aegis at dito na nga na-discover ang husay niya rin sa pag-arte na nagbukas sa mas maraming opportunities sa showbiz.

Dagdag pa ng aktres, na kung kinabahan siya sa Camp Sawi na kasama ang apat na hottest female celebrities, mas doble kaba ang nararamdaman niya dahil nag-iisa siyang bida rito sa Jowable.

Pero kung pagbabasehan namin ang napanood na trailer ng pelikula, marami nagkagusto nito sa social media kaya tiyak na maghi-hit ito katulad ng Camp Sawi.

Kabituin ni Kim sa Jowable sina  Chad Kinis, Kakai Bautista, Cai Cortez, Candy Pangilinan, at ang kanyang boyfriend na si Gerald Napoles, mula sa mahusay na panulat at direksiyon  ni Darryl Yap, hatid ng Viva Films at mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa September 25.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …