IPALALABAS daw sa mga festival sa ibang bansa ang isang horror picture na ginawa ni Sharon Cuneta. Magandang move iyan dahil baka mapansin doon ang pelikula, makakuha sila ng commercial theater exhibition o maibenta man lang sa mga cable companies doon.
Dito sa Pilipinas, hindi kumita ang pelikulang iyan at mabilis na na-pull out sa mga sinehan. Kaya nga noong hinahanap namin, hindi na pala palabas eh.
Dito kasi sa Pilipinas, kahit na sabihin mong Sharon Cuneta ka pa, basta ang pelikula branded na indie sa simula pa lang, wala nang pag-asa iyan. Kasi iba ang mentalidad ng mga Pinoy. Kung gagastos sila, gusto nila iyon nang pelikulang ginastusan din.
Kung ang pelikula mo ay tinipid lang, titipirin na rin lang nila ang pera nila, lalo ngayong tumataas na naman ang presyo ng mga bilihin.
HATAWAN
ni Ed de Leon