Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baron, balik-rehab

MAY mga komentong hindi nakapagtataka kung sakaling nagbalik- bisyo na naman ang actor na si Baron Geisler at muling magbabalik- rehab. Paano namang matatakasan ng actor ang bisyo gayung simula pa lang nasalang sa seryeng ng FPJ’s Ang Probinsyano, adik kaagad ang papel.

Dapat ibang role ang ibinigay ni Coco Martin kay Baron para maiwasang maalala ang dating gawi.

Ayun matitigok na sa eksena ang actor.

May nagsasabi namang kaya mawawala si Baron ay dahil nilalamon nito sa eksena mga kasamahang artista. Sayang naman, sa kagustuhang magbalik-showbiz at makapagtrabaho, sa rehab ito napatungo.

Dapat ibang papel muna isalang si Baron.

Alden,  ipapareha kay Maine sa MMFF  movie

MAY suggestion na bakit hindi kunin ni Vic Sotto si Alden Richards bilang kapareha ni Maine Mendoza sa darating nilang pelikula na pang- Metro Manila Film Festival (MMFF)?

Ang problema, may katanungan kung mapapapayag ba si Alden na muling makipagpareha kay Maine gayung isa na siyang box office star?

Well, abangan na lang kung papayag si Alden sa ideang magtambal silang muli. Lumayo kasi agwat ni Alden kay Maine buhat nang magkatambal sila ni Kathyrn Bernardo.

Marco, sumikat dahil sa pagpapa-sexy

MUKHANG big threat ang muling pagkakauso ng bold movies laban sa mga matitinong pelikula. Kaliwa’t kanan kasi ang gumagawa ngayon ng sexy dahil tumitipak sa takilya.

Mura lang daw kasi ang puhunan ng mga producer sa paggawa ng bold dahil mura lang ang talent fee ng mga gumaganap. And besides, hindi pa ito magastos sa costumes dahil swimwear lang at T-back ang karaniwang suot ng mga artista.

Isang produkto ng pagpapa-sexy ang sumisikat ngayon, si Marco Gumabao dahil kaliwa’t kanan ang offer n’ya ngayon.

Si Marco ay pinsan ng dating sexy actor na si Bobby Benitez na namayagpag noong araw. Anak si Marco siya ng dating actor na si Dennis Roldan.

Julia, delete na sa isipan ni Joshua

WALANG dudang na-delete na sa isipan ni Joshua Garcia si Julia Barretto. Halatang naka-pokus na ang atensiyon n’ya ngayon kay Janella Salvador na kapareha sa The Killer Bride.

Talk of the town ang pagpasok ni Maja Salvador sa eksena.

Totoo ang tsismis na si Maja na ang bagong Horror Queen na dating hawak ni Kris Aquino.

Well, pana-panahon lang talaga  ang kasikatan sa showbiz.

***

BIRTHDAY greetings to Max Collins, Jamie Rifera, ogie Alcasid, Oghie Ignacio, DJ ChaCha, Richard Enriquez, at Joem Bascon.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …