HABANG bumubuhos ang malakas na ulan noong isang gabi, kakuwentuhan namin sa isang coffee shop sa rooftop ng isang condo-mall sa Taguig ang isang theater manager. Iiling-iling siya habang sinasabing tiyak na lugi ang lahat ng mga sinehan sa papasok na linggo, dahil obligado sila na ilabas ang mga pelikulang indie na kasali sa isang festival. Sa tingin niya, wala isa man na may box office potentials.
Kahit na hindi kumikita ang pelikula, malaki ang gastos nila sa kuryente dahil sa aircon. Gumagastos sila sa payroll ng mga empleado. Nawawala rin ang potentials nilang kumita. “Mabuti nagkaroon muna ng ‘Hello, Love, Goodbye’ bago iyan. At least malugi man kami ng isang linggo, kumita naman kami ng isang buwan,” sabi pa niya.
Ang mga may ari ng sinehan, walang magagawa kundi manalangin, na sana magkaroon ng isang himala.
HATAWAN
ni Ed de Leon