PALAGAY namin, wala namang masama sa sinabi ni direk William Mayo ng KDPP na siya ay tutol sa mga bakla at sa kabaklaan. Wala naman siyang tinutukoy na tao, ang sinasabi lang niya sana ay magkaroon ng batas dito sa ating bansa na kagaya sa Malaysia na krimen ang kabaklaan.
Iyon ay sinabi niya bilang isang personal na opinion at inilabas naman niya sa kanyang sariling social media account. Kung mayroong hindi pabor sa kanya, maaari siyang i-dislike, o kaya tuluyan nang i-block at alisin sa kanilang friends’ list.
Pero masyadong matalim din naman ang pananaw ng mga director na bakla, at binanat-banatan si direk Mayo. Marami talagang nalilikhang awayan iyang kabaklaan.
HATAWAN
ni Ed de Leon