Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
aiai delas alas

Ai Ai delas Alas, gusto nang mag-retire; pagod na o ‘di na kumikita mga pelikula?

GUSTO na rin daw mag-semi retire ni Aiai delas Alas at nagsabing pagod na pagod na rin siya sa kanyang career. Siguro hindi naman siya talaga pagod kundi naging disappointed lamang sa resulta ng mga nakaraan niyang pelikula. Sa tingin namin, hindi retirement kundi re-evaluation ng takbo ng kanyang career ang kailangan niya talaga.

Siguro kailangan niyang piliin ang mga pelikulang kanyang gagawin. Kumita naman ang mga pelikula niya noong mahusay ang pagkakagawa, nito lamang naman gumawa siya ng mga pelikulang mala-indie at saka siya naghilahod sa takilya. Siguro nga kailangan din ni Aiai ng isang malakas na support, hindi iyong kung sino-sino na lamang.

Isa pa, natatandaan naming may ambisyon din si Aiai na pasukin ang public service. Noon pa nagtatanong si Aiai kay Ate Vi (Vilma Santos) dahil may balak din siyang tumakbong mayor sa kanilang bayan noon sa Batangas. Ang nakapigil talaga kay Aiai ay ang advice ni Ate Vi na pag-aralan muna niyang mabuti dahil kung magiging mayor siya, malamang mawala ang malaking kinikita niya sa mga pelikula noon.

Aminado si Ate Vi na noon ay kailangan niyang isakripisyo ang malaking kita niya sa mga pelikula. In fact, hanggang ngayon nasasakripisyo ang dati ay napakalaking kinikita niya noong araw bilang isang artista. Noon siguro nag-isip din si Aiai, dahil isipin ninyo ang lahat ng mga pelikula niya noon ay puro mga blockbuster.

Ngayon, hindi naman maikakaila na malaki na ang pagbabago sa kanyang buhay. Nagkaka-edad na rin naman siya at baka nga hindi na rin niya magagawa iyong kagaya ng dati na panay puyatan lalo na ang kanyang mga show. Ok lang siguro na unti-unti na siyang magpahinga at baka nga maaari na niyang harapin ang public service na matagal na niyang balak.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …