Friday , November 15 2024

‘Bureau of Corruption’ director?

NABAGO ang ating pani­wala noon na walang ki­na­laman si dating Philip­pine Marines Captain at ngayo’y Bureau of Corruption, este, Bureau of Corrections (BuCor) director Nicanor Faeldon sa smuggling ng P6.4-B shabu na nasabat sa dalawang bodega noong 2013 sa Valen­zuela City.

Ito ay matapos ma­bisto ang naudlot na pagpapalaya sana kay dating Calauan, Laguna mayor at convicted rapist-murderer Antonio Sanchez noong August 20 mula sa kanyang kulungan sa New Bilibid Prison (NBP).

Walang kamalay-malay ang People of the Philippines na sa nakalipas na limang taon ay umabot na pala sa 22,000 preso ang napalaya sa NBP, kabilang ang 1,914 na sentensiyado sa kasong murder, rape, drug offenses, parricide, kidnapping at arson, sa bisa ng nakatagong batas – ang good conduct time allowance (GCTA) law o Republic Act No. 10592.

Ang GCTA ay katumbas ng “reward points” na kinakaltas kada buwan sa ipinataw na sentensiyang kulong sa preso.

Hindi pa maliwanag kung paano nabuo ang implementing rules and regulations (IRR) o ang pamantayan sa paggagawad ng GCTA at kung kanino nakaatang kapangyarihang lumagda sa release order ng mga preso.

Lumalabas na mga dati at kasalukuyang hepe o mga opisyal ng BuCor ang lumagda sa mga release order ng napalayang preso.

Sa records ng BuCor, mula nang maisabatas ang RA 10592 noong 2013, kada taon ay pataas nang pataas ang bilang ng mga napalayang preso na nahatulan sa karumal-dumal na krimen.

Ang bilang ng napalaya ay 62 noong 2014; 105 (2015); 212 (2016); 335 (2017); 384 (2018); at lumundag sa 816 sa pamumuno ni ‘Mang Kanor’ ngayong taon.

Ngayong araw ay nakatakdang simulan ng Senado ang imbestigasyon sa malaking kata­rantaduhang nabulgar pero hindi tiyak kung sisiputin ni Mang Kanor ang pagdinig.

Ang sinundan ni Mang Kanor sa BuCor na si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang ikala­wa sa nagpalaya ng malaking bilang ng mga kriminal.

Kapani-paniwala ang pahayag ni Lacson na posibleng ‘pera-pera’ para ang mga convicted drug lord at tulad ni Sanchez na ang hatol ay siyam na habambuhay ang hatol ay magawaran ng pribilehiyong makalaya.

Nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang 4 Chinese drug trafficker na kung hindi naibulgar ni Lacson, malamang naipatapon agad pabalik sa kanilang bansa.

Ang BuCor at BI ay parehong attached agency at nasa ilalim ng Department of Justice (DoJ).

Matatandaan na si Kenneth Dong, isa sa mga akusado sa P6.4-B smuggling ng shabu habang si Mang Kanor noon ang hepe ng Bureau of Customs (BoC), ay ‘nadakip’ ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Katarungan Village sa Muntinlupa.

Sa isang raid noong nakaraang taon, ang anak ni Mang Kanor na si Nicanor Faeldon Jr., ay kasamang naaresto sa isinagawang raid sa bahay mismo ng drug suspect na si Russel Lanuzo sa Barangay Mabolo, lungsod ng Naga.

Tiyak na sa bigla nilang pananahimik ay nagre-rehearsal na ng isasagot sina Mang Kanor at Bato kung paano napalaya ang convicted drug lords para maging consistent sa madugong giyera na inilarga ni Pres. Rodrigo “Digs” Duterte mula pa noong 2016.

Usap-usapan saan mang umpukan ang kaduda-dudang pagkakapaslang kay BuCor Chief Administrative Officer 3 Ruperto Traya sa lungsod ng Muntinlupa nitong nakaraang Martes.

Ang pagpatay kay Traya ay naganap isang araw matapos umalingasaw ang naudlot na pagpapalaya kay Sanchez.

Sakaling matuloy ang pagdinig ng Senado, sisipot kaya ang administration senators para gisahin sina Bato at Mang Kanor?

Magiging patas kaya ang senado sa pagta­tanong kay Bato tulad sa karaniwang resource persons na naaanyayahan sa mga pagdinig ng Senado, kung sakali?

Kapag hindi naipaliwanag ang nabulgar na katarantaduhang ‘yan, sino pa ang maniniwala sa kampanya ni Pres. Digs at ng kanyang administrasyon laban sa droga?

Subaybayan!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

 

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *