Monday , December 23 2024

P20-M sa 3 libel case vs Tulfo

PARANG pamagat ng pelikula ni yumaong Fer­nando Poe, Jr. (‘Da King’) na “Kapag Puno Na Ang Salop” ang mensahe sa inihaing kaso ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay laban sa kulamnista, este, ko­lumnistang si Ramon Tulfo ng pahayagang The Manila Times.

Napilitan nang maghain ng reklamo ang dati’y low profile at tahi­mik na hepe ng BIR na si Dulay sa magka­kasunod na kolum laban sa kanya na isinulat ni Tulfo sa nabanggit na pahayagan.

Para matapos na ang mga walang basehang paratang sa kanya ng kontrobersiyal na kolum­nista, kinasuhan ni Dulay ng libel at cyber libel si Tulfo at mga opisyal ng naturang pahayagan.

Layon umano ng mga isinampang kaso ni Dulay para matapos na ang pagkakalat ng imbentong paratang laban sa kanya at turuan ng leksiyon si Tulfo.

Sa kanyang kolum na pinamagatang “My Line of Sight: Conversations between two BIR execs reveals all,” inakusahan ni Tulfo si Dulay na may “skeletons in the closet at the graft-ridden agency.”

Sa ikalawang kolum niya noong August 8, sinabi ni Tulfo na nagkaroon umano ng bayaran sa multi-billion peso tax cases mula sa mga delinquent na kompanya, at pinalalabas na si Dulay ay “insatiable greedy extortionist, a cheat and a corrupt official in (president) Digong’s government.”

Sa ikatlong kolum noong Aug. 20, nanawagan si Tulfo ng isang imbestigasyon sa corruption laban kay Dulay at binansagan pang kompro­misong pagbayad ng Del Monte ng mahigit P65 million sa halip na sa “huge delinquent tax amounting to P8.7 billion.”

Ayon kay Dulay, ang mga nasabing column ay pawang walang katotohanan at nakasisira ng imahen ng isang opisyal at “not only directly pictured me as a corrupt official, an animal, a thief, minion of Satan, greedy bastard,” at maging “maliciously portrayed me as a ‘criminal.’

Sa nasabing kaso, humihingi ng danyos na P20 million si Dulay, at ang precautionary hold departure order (HDO) laban kay Tulfo.

Ang mga kaso, ani Dulay, ay malinaw na hindi una para kay Tulfo dahil sa packaging niyang isang hard-hitting journalist na palaging kakampi ang mahihirap.

Sa katunayan ay ilang beses nang napa­hamak si Tulfo dahil sa kanyang brand of jour­nalism, kung ito man ang tamang tawag dito.

Naniniwala man si Dulay na hindi dapat maging balat-sibuyas ang mga opisyal sa pamahalaan pero dapat din responsable ang mga bumabatikos at ang lahat ng kanilang detalye ay dapat nakabase lang sa katotohanan at hindi sa fake news o sabi-sabi lang ng kung sino-sino.

Sa kaso rin na ito, sinabi ni Dulay na hindi man lang inalam ni Tulfo kung totoo o hindi ang kanyang mga sinabi laban sa opisyal.

Ayon kay Dulay, ang kaso ng Del Monte ay hindi umabot ng Court of Tax Appeals, at wala rin itong kompromisong nangyari tuald ng paratang sa kanya ni Tulfo.

“The collection was based on a series of assessments based on Revenue Procedures and delegated authority. These assessments were based on documents submitted as part of the Revenue Procedures. Thus, we cannot just make up a collection amount without evidence to support it,” saad ni Dulay sa inihaing kaso.

Maging si BIR executive Teresita Angeles, ang babae na inakusahan ni Tulfo na nasa likod ng video recording at umano’y nagsabing may malawakang corruption sa BIR, ay lumantad na rin upang itanggi na siya nga ang nasa video.

Matagal nang sinasabi ni Tulfo na siya ay isang journalist ngunit patunay ang mga kaso sa kanya na hindi siya pasok kahit man lang sa minimum requirements ng pagiging isang matinong journalist na nagbeberipika ng detalye at hindi naniniwala sa fake news.

Kunsabagay, baka marami nang naimpok si Tulfo at kayang-kaya niya sigurong magbayad ng halagang P20-M kung sakali.

Sabi nga, “when it rains, it pours.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *