Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, superstar ng kanyang henerasyon (sa magkasunod na hit ng pelikula)

NILAMPASAN na raw ng huling pelikula ni Kathryn Bernardo ang kinita ng hit movie nila noon ni Daniel Padilla. Ibig sabihin, sa loob ng dalawang magkasunod na taon, si Kathryn ay nagrehistro ng dalawang pelikula na sinasabing nakasira sa box office history. Lumalabas kasing kahit na ikompara ang kita ng pelikula niya ngayon sa naging kita ng mga pelikula noong mura pa ang bayad sa sine, lamang pa rin siya sa rami ng nanood.

Kaya nga siguro nagmamadali naman ang kanyang fans na sabihing si Kathryn na ang bagong superstar ng henerasyong ito. Pero palagay namin, hindi sila dapat magmadali. Mahirap na ang magmadali at masilat pagkatapos. Siguruhin muna natin na matibay na ang tayo ni Kathryn bago siya ideklarang superstar.

Iyang pagiging isang superstar, matindi iyan eh. Kaya nga sa local showbusiness, tatlo pa lamang ang naidedeklarang superstars. Palagay namin, masyadong maaga pa para sabihing naabot na ni Kathryn ang status na iyon. Nakatatakot na baka magaya siya sa iba na matapos ipangalandakan na superstars na sila at saka tumagilid ang career. Marami na tayong nakitang ganyan kaya kailangan ang dobleng ingat.

Isa pa, parehong sikat ang kanyang mga leading men, sina Daniel at Alden Richards. Isa ring box office director ang gumawa ng dalawa niyang hit movies. Sa palagay namin, hindi naman siya isusugal ng kanyang home network na pagawin ng isang pelikulang ang gagawa ay isang indie director sa ngayon. Manghihinayang naman sila sa box office potentials ni Kathryn, pero paano nga kaya kung iba ang leading man at iba ang director?

Kung kami ang tatanungin, dapat maghintay tayo ng kaunting panahon pa bago natin sabihing naabot na nga niya ang status ng isang superstar.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …