Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tunay na relasyon ni Ion kay Vice Ganda, inamin na

TAPOS na ang gimmick at ang mga ilusyon. Ngayon inaamin na niyong dating bikini model na si Ion Perez na lumalabas din sa isang noontime show na wala silang naging relasyon ni Vice Ganda. Inamin niyang sinasabi niyang minahal niya iyon “bilang isang kaibigan” lamang.

Kung may namagitan sa kanilang dalawa nang higit sa pagiging magkaibigan, wala na kaming pakialam doon, pero maski naman noong una hindi kami nakisakay sa gimmick na iyan eh.

Kailangang gawin iyon niyong Ion para siya mas mapansin ng publiko dahil nagsisimula pa lamang siya sa showbiz. Sa kaso naman ni Vice Ganda, kailangan niyang patulan iyon dahil bahagi iyon ng kanyang career. Pero ang paniwala namin hanggang doon lang talaga iyon.

Hindi nabalita na iyang si Ion ay talagang pinagkagas­tahan ni Vice Ganda, iyon ang mga tsismis noong araw tungkol sa kanyang mga naging boyfriends. Kung nakarelasyon ba niya iyang Ion maaaring hindi rin niya gastusan?

May isa sinasabi pa ang isa naming kaibigang Psychologist. Sabi niya ang isang lalaking nai-in love sa isang bading ay bading din. Kasi kahit na bading iyon, kapwa lalaki rin iyon. Kaya ang nagtatagal na same sex relationship, iyon ay dahil pareho silang ganoon.

Kung hindi, maliwanag na may ibang dahilan. May ibang interest bukod sa isang pakikipag-relasyon lamang.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …