Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglaladlad ni Paolo, ‘di na issue

“I NILADLAD na ni Paolo Ballesteros ang kanyang kapa”, sabi ng isang gay celebrity. Sa gay lingo, basta sinabing “nagladlad ng kapa” ang ibig sabihin niyon ay umamin na siya ay isang bakla.

Pero para kay Paolo, hindi isang malaking issue ang pag-amin na siya ay bakla, dahil hindi lamang siya napapanood na nagsusuot babae, nagsusuot pa rin siya ng mga pambabaeng swimsuit. Kung ganoon nga ba naman kailangan pa ba niyang aminin na siya ay bakla?

Kaya lang naman siguro napansin ngayon ang  “paglaladlad” ni Paolo ay dahil sa issue ng LGBT sa ngayon at sa ipinagpipilitan nilang isulong na SOGIE bill, na nagsimula naman sa sinasabing discrimination laban sa isang baklang gusto lang umihi sa ladies’ room ng isang mall sa Cubao.

Pero sabihin mo sa akin Tita Maricris, ano ang gagawin mo kung nasa CR ka tapos biglang pumasok halimbawa si Paolo Ballesteros na nakasuot babae, tapos sasabayan ka. Hindi ka ba maiilang? (Maiilang pa rin—Editor)

Nagsimula lang sa CR, aba eh lumaki na ang problema. Gusto nilang ipagbawal ng batas maging ang pagtuturo ng simbahan tungkol sa mga bakla. Hindi rin sila humihingi ng sarili nilang CR, dahil discrimination din daw iyon. Gusto nila payagan silang makapasok sa CR ng babae dahil “babae rin daw sila.”

Kung sa bagay baka ganoon nga ang feeling nila, kagaya rin ng sinabi ni Paolo, “I’m a lady.”

Pero nakikiisa kami kay Senador Tito Sotto na mahirap palusutin ang ganyang batas. Kailangan din naman kasing isipin hindi lang ang karapatan ng mga bading at tomboy, kailangang isipin din ang kapakanan ng mga tunay na babae at tunay na lalaki na higit na nakararami. Hindi dahil bakla sila lahat ay dapat na maging bakla na rin.

Sa totoo lang kung kami ang nasa loob ng isang CR, tapos biglang papasok si Jake Zyrus o si Aiza Seguerra, aba eh maiilang din kami.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …