Monday , December 23 2024

Pasaring kay Isko, sinopla; Erap, inupakan ng publiko

IDINEPENSA ng masu­sugid na tagasubaybay ng pitak na ito at pro­gramang Lapid Fire sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz/AM) na napa­pakinggan mula 10:00 pm – 12:00 mn, Lunes hanggang Biyernes, si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso kasunod ng pasa­ring sa kanya ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada.

Ikinagalit ng publiko ang pagkaladkad ni Erap kay Mayor Isko sa pakikipagsagutan kay San Juan Mayor Francis Zamora.

Noong nakaraang linggo, ibinulgar ni Zamora na mababa raw ng 10 to 15 percent ang sinisingil na amilyar ng San Juan city assessor’s office sa Polk Street, North Greenhills na kinatitirikan ng mansion ni Erap, kompara sa ibang mga lugar sa lungsod.

Pati si Mayor Isko na wala naman kinalaman sa pandurugas sa buwis na ibunulgar ni Zamora ay idinamay ni Erap, aniya:

“He is stupid. I challenge him to file charges against me if he has pieces of evidence. He should stop his publicity stunts at my expense. He is no different from Isko Moreno.”

Ilan sa mga reaksiyon sa patutsada ni Erap kay Mayor Isko, anila:

 

KAHIHIYAN NG BANSA

TONY ZAMORA – “Nakakahiya na maging isang Pilipino hanggang may mga taong katulad ni Erap na mandarambong at walang kahihiyan! Tama lang ang hatol namin na mawala na kayo sa politika! Get lost, damn you!”

 

INSECURE KAY ISKO

CARMELA HAMMER – “Kapal talaga ng mandurugas Erap na yan! Unti-unti na nasisira utak n’yan dahil sa mga ginawa n’ya sa pera ng bayan! Baka nga ‘di na ‘yan nakakatulog sa gabi sa dami ng ninakaw n’yang pera! Pansinin n’yo “eye bug” ni Lolo Erap sa mata n’ya, malapit nang maging sunglasses sa laki! Insecure na insecure kay Yorme Isko talaga! Kahit ano pa nakaraan ni Yorme noong s’ya kasama, at least nang manalo as mayor ay ginagawa naman n’ya mga pangako n’ya sa nga taga-Maynila. Hindi naranasan ni Lolo Erap na dalawin ng mga ambassadors sa buong mundo, ‘di gaya ng mga nangyayari kay Isko Moreno sa ngayon, sikat na sikat kahit saang sulok ng mundo! Kaya ngayon, nga-nga na si Lolo Erap! ‘Dami nang nag-aalok ng mga tulong kay Yorme sa ngayon.”

 

PARANG MATAMIS NA NILALANGGAM

CHARLIE FRY (Songwriter/Musician) – “Sa mga ipinakitang husay at talino ni Mayor Isko, hindi niya kailangan ng media mileage. Ang media ang sumusunod sa kanya dahil alam nilang mabenta si mayor dahil sa kanyang kahusayang ipinapakita sa lahat! Siya ang kendi, at ang media ang mga langgam!”

 

PINABILIB NI ISKO

LOTA MACAHILAS (Olongapo City) – “Alam n’yo, ‘di na ako nanonood ng balita ng national gov’t, mas nakatuon kami sa ginagawa ng Mayor ng Maynila. Mabuti pa ang pamamahala ni Mayor Isko, may direksiyon at ramdam niya ang tunay na kailangan ng kanyang mga mamamayan. Isa pa Ka Percy, sa’yo namin naliliwanagan at naiintindihan ang tunay na nangyayari d’yan sa Pilipinas. Tama lamang ang paglalahad ninyo sa mga tiwali at mga buwayang mga politiko!”

 

SONA SA BASECO NAPAPANAHON

FREDDIE CARAMAT – “Noong panahon ni Pres. Marcos, ang tawag d’yan ay sinosona. Paraan ‘yan para ma-flushout sa isang biglaang pagsugod at pagdakip sa mga hinihinalang mga kriminal mula sa kanilang lungga at pinagtataguan. Nagiging matiwasay ang mga dating magugulong lugar ng Kamaynilaan noon panahong iyon. Ka Percy, maganda ang muling pagbabalik ng pagsosona ni Mayor Isko at ito ay isang mabisa at tested way against criminality in the city, especially Baseco Compound.”

 

CONSISTENT LISTENER HANGGANG NGAYON

CHRIS CAÑALITA (Cebu City) – “Matagal na po ako nakikinig sa inyo, nasa dati pa kayo station nagbo-brodcast. I’m among your silent, consistent listener in your daily on air broadcast. May God bless you more po c’oz for so many broadcaster/commentator/journalist I’ve listened throughout the years, nobody in their expected capacity can be courageous enough to voice out what is the truth behind the reality what the nation is undergoing at the present time. Lahat po ng sinasabi n’yo ay totoo sa aming pangkaraniniwang mamamayan na middle to the poorest of the poor citizens of the Philippines. Sana maitaguyod n’yo pa ang inyong tapat na hangarin at serbisiyo sa mamamayang Pilipino. Mabuhay po kayo!”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *