Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Geneva, open na sa bagong relasyon

MUKHANG mas open na ngayon si Geneva Cruz sa pag-amin sa kanyang relasyon kay Niko Booth, isang foreigner na concert producer din. In fact nagkakilala sila dahil sa isang concert niya na si Niko ang producer hanggang sa nauwi na nga iyon sa ligawan.

Maliban sa pagiging isang concert producer, wala na tayong naririnig tungkol kay Niko.

Si Geneva naman, matagal nang walang love life simula nang magkahiwalay sila ni KC Montero. Bago si KC, nakarelasyon din niya si Paco Arespacochaga kung kanino siya may isang anak, si Heaven. Iyon namang anak niya 22 na rin, nag-aaral ng Nursing sa US at masasabi nga sigurong may sarili na ring buhay. Kaya hindi naman nakapagtataka kung dumating man ang panahon na muling ma-in love si Geneva. Bukod doon kung ipagpapaliban pa niya iyan, baka naman maging late na para siya makabuo ng panibagong pamilya, na obviously gusto niyang mangyari noon pa.

Sana nga magkaroon na ng panahon si Geneva sa kanyang love life ngayon. Ang naging problema lang naman niya in the past ay kung paano mahahati ang kanyang panahon sa kanyang career at sa ibibigay niyang panahon sa kanyang pamilya. Obviously she failed kaya nga hindi naging maganda ang pagsasamahan nila ng mga una niyang nakrelasyon. Nagkulang nga siguro siya ng tamang pa­na­hon para sa kanyang pamil­ya.

Isa pa, ang mga naka­re­lasyon niya noon ay mga artist din. Kaya problema rin ng mga iyon ang kanilang pana­hon para sa pamilya. Nga­yon hindi personality ang kanyang boyfriend, businessman iyon at baka sakali ngang makatugma na ang kanilang panahon.

Iyon lang naman ang kailangan sa isang pamilya eh.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …