Friday , November 15 2024

Ganado si Tulfo

PANIBAGONG kaso na naman ang posibleng kaharapin ng “hard-hitting journalist” na si Ramon Tulfo kaugnay sa dalawang magka­hiwalay na artikulong napalathala sa paha­yagang The Manila Times laban sa isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kamakailan.

Pagkabigla raw ang naging reaksiyon ni Teresita Angeles, assis­tant commissioner for client support services ng BIR, nang mabasa ang magkasunod na kolum ni Tulfo na pinamagatang “Conversation between two BIR execs reveals all” nitong Aug. 6, at noong Aug. 8 na may titulong “I’m helping Digong clean up the Augean stables.”

Sa kanyang Aug. 6, 2019 article, inilahad ni Tulfo ang sinasabing pag-uusap na naganap sa pagitan nina Angeles at Don Samson, tinaguriang chief of staff ni BIR commissioner Caesar Dulay, habang ang dalawa “were taking up short courses at Harvard University in Cambridge, Massachusetts in the US.”

Ayon kay Tulfo, sina Angeles at Samson ay nag-usap ukol sa lantarang corruption sa BIR sa ilalim ni Dulay, at ito ay nakuha umano sa isang video.

Sa kolum naman niya noong Aug. 8, sinasabi ni Tulfo na si Angeles ay nailagay sa “floating status” dahil sa video at ang kanyang mga pinuno sa BIR ay tumangging i-share sa kanya ang mga nakulimbat.

Sa sulat na ipinadala sa nabanggit na pahayagan na naglathala sa mga artikulo, sinabi ni Angeles na ang mga paratang ni Tulfo sa kanyang dalawang kolum ay malisyoso, haka-haka at pawang kasinungalingan lamang.

Sa katunayan, sinabi ni Angeles na hindi naganap ang mga pag-uusap umano nila ni Samson, executive assistant ni Dulay at hindi chief of staff, at hindi sila nagkasama noong nag-aral siya sa Harvard.

Sa liham pa rin ni Angeles, aniya:

“The least (Tulfo) could have done was to confront us and validate whether we were indeed the persons in the video instead of hiding in the motherhood phrase used by journalist ‘my sources said’.”

Pinabulaanan din ni Angeles na nailagay siya sa “floating status” base sa sinasabing video, at sa katotohanan ay naging assistant commissioner for Client Support Services pa nga siya.

Ipinaliwanag din ni Angeles na hindi niya inakusahan o inaakusahan ang commissioner o sinomang tax officials na kumukuha ng bribe money mula sa mga kasong hinahawakan ng BIR, lalo’t sa katotohanan, lahat naman ay lumalabas na aboveboard.

“The claim of Mr. Tulfo that ‘Her (referring to me) corrupt superiors at the BIR apparently didn’t want to share the loot with her’ is again downright malicious, libelous and leaves himself open to sanctions under our laws,” sabi ni Angeles.

Ito na marahil ang simula sa mga hindi mabilang na pagkakataong may mga lalantad pa laban sa mga mali at malisyosong isinusulat ni Tulfo sa kanyang kolum at mahaharap sa patong-patong na kasong libelo.

Bulalas ni Angeles, “Journalism gone wrong.”

 

ANG BAWAL AY BAWAL

WALANG nilalang na nasa matinong pag-iisip ang sasang-ayon na okey lang tumanggap ng regalo ang mga pulis bilang pabuya mula sa kaninoman, partikular sa sugal na video karera.

Sa Republic Act 6713 na kilala rin sa tawag na Code of Conduct and Ethical Standard for Officials and Employees, ang pagtanggap at pangingilak ng regalo, tuwiran man o hindi, ay mahigpit na ipinagbabawal sa sinomang opisyal at kawani ng pamahalaan.

Pero para kay Pang. Rodrigo “Digong” Duterte, wala raw masama riyan, lalo’t kusang ibinibigay o iniaabot sa mga pulis.

Sa pagkakaalam natin, mayroong mga pulis na hindi lamang tumatanggap kung ‘di mula’t sapol ay sila rin mismo ang operator ng video karera na kinalolokohan ng maraming kabataan na nalululong sa pagsusugal.

May mga ulat din na ang mga ‘puesto pijo’ ng video karera ay ginagamit pang batakan ng shabu.

Bobo lang ang hindi makaiintindi na ang ipinagba­bawal sa batas at pagtanggap ay re­ga­long may kom­pro­miso o kapalit na pabor.

Pero hangga’t may batas na nagbabawal, ang anomang bawal ay dapat manatiling bawal.

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *