Friday , November 15 2024

Tulfo, ‘bounty hunter’?

SINASABI ng kulam­nista, este, kolumnis­tang si Ramon Tulfo na siya raw ay tagasa­laysay ng katotohanan pero bakit pawang mga kasinungalingan lamang yata ang kanyang mga sinasabi sa magkahiwalay niyang kolumn na napalathala sa Manila Times.

Tagasalaysay nga kaya ng katotohanan si Tulfo o tagapaglako ng kasinungalingan?

Sa kanyang kolumn noong July 20, na “There goes Cayetano as House Speaker, also Medialdea” ay inakusahan ni Tulfo si Executive Secretary Salvador Medialdea na naglalabas ng memorandum circular nang hindi alam ni Presidente Rodrigo Duterte para atasan ang government agencies at government owned and controlled corporations (GOCC) na suportahan ang kontrobersiyal na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation.

At noong July 25 naman, inakusahang muli ni Tulfo sa kanyang kolum si Medialdea na inupuan at itinengga umano sa loob nang isang taon ang apela ng isang Felicito Mejorada para sa P272.07 million claim na reward money mula sa gobyerno.

Sa pagkakaalam natin kung may isang pinakamatino, matapat at mapagkakatiwalaan sa gabinete ni Pang. Duterte, si Medialdea marahil ‘yon kaya’t naniniwala tayo na pawang paninira at kasinungalingan lamang ang mga paratang sa kanya ni Tulfo.

Ang sabi raw ni Mejorada, nagbigay siya ng tip sa gobyerno ukol sa umano’y smuggling operation sa Mariveles, Bataan noong 1997.

Inakusahan ni Tulfo si Medialdea na nasa likod ng isang Vianney D. Garol, isa umanong presidential consultant, upang humingi ng P72 million mula sa reward.

Tila lihis yata sa katotohanan at hindi factual ang sinabi ni Tulfo.

Una, isang source sa Malacañang ang nagsabi na wala namang memorandum na inilabas si Medialdea ukol sa pagsuporta sa PHISGOC na walang pahintulot ang Presidente.

Ikalawa, anang source, ang executive secretary ay tulad ng masunuring sundalo na hindi gagawa ng sariling hakbang nang walang utos ng chief executive.

“He knows he works at the pleasure of the President, so every step of the way, he really asks for the President’s approval,” sabi ng naturang source.

Ikatlo, ayon sa isa pang source sa Palasyo, walang katotohanan na isang taon inupuan ni Medialdea ang apela ni Mejorada na nakasaad sa mismong tinanggap na kopya o received copy ng appeal noong April na tatlong buwan pa lamang ito naisumite.

At ikaapat, sinabihan na ni Medialdea ang Department of Finance (DOF) na una nang nag-deny sa apela ni Mejorada para ang apela ni Mejorada ay unang na-deny ng Department of Finanace (DOF) para ipunin ang ebidensiya at record ng kaso, at ang National Bureau of Investigation para kilatisin ang pagkatao nitong si Garol at iba pang personalidad.

Tahasang itinanggi ni Medialdea na kilala niya si Garol, na base sa Palace records ay isang project development officer II sa Office of External Affairs-Davao noon pang August 1, 2005 na ang operasyon ay itinigil noong December 31, 2005.

Ang konklusyon, malisyoso ang mga nasabing kolum ni Tulfo at posibleng nais lamang talaga na yurakan ang katauhan ng executive secretary kung gano’n!

At kung bakit isinulat ito ni Tulfo ay tanging siya lang ang makasasagot.

Sabi naman ng isang taga-Palasyo, sana raw ay nabibili ang delicadeza na puwedeng iregalo kay Tulfo baka sakaling mag-resign na special envoy to China.

Akala ko sa pulisya lang may suma-sideline bilang ‘bounty hunter’ paminsan-minsan?

 

“LAPID FIRE” SA DZRJ PABORITONG PROGRAMA

SONNY GUEVARRA (California, USA): “Ilang buwan na ako nakikinig at nanonood ng inyong programang Lapid Fire sa You Tube. Kayo ang naging paborito kong radio talk show. May laman, malalim, may kasaysayan, may konting tawa, may jokes, at bukod tangi ay matapang maglahad ng totoo o mali, sinuman ang tamaan. Iyan ang tunay na journalist o mamahayag ng balita. Sa Feb. 2020, plano ko po bumisita sa Pilipinas. Gusto ko sana ma-meet kayo nang personal kung puwede. Giliw kasi ako sa programa ninyo. Salamat po sa inyong programa. Nawa ay patuloy kayong pagpalain at gabayan ni Yahweh.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

 

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *