NAGPAHAYAG ng katuwaan si Bela Padilla na siya ang nakakuha ng role na dapat sana ay kay Nadine Lustre roon sa isang festival movie. Aba dapat naman siyang matuwa dahil pre-sold ang kuwento ng pelikula dahil sa naunang Korean movie na naging hit. Ikalawa, isipin mong leading man niya ngayon si Aga Muhlach, sabihin mo mang ang role niyon ay tatay niya sa pelikula. Isa paMMFF iyan, festival ng mga kumikitang pelikula.
Ano ang dahilan para hindi mo ikatuwa iyon?
HATAWAN
ni Ed de Leon