Friday , November 15 2024

Guevarra, Morente binabastos ng 2 sutil na BI agents sa NAIA

BALEWALA sa dala­wang Immigration Of­ficers (IO) ang mahigpit na direktiba nina Depart­ment of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra at Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na masugpo ang talamak na human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa kabila ng kautu­sang inilabas nina Guevarra at Morente na paigtingin ang pagba­bantay sa nasabing paliparan ay tuloy pa rin ang palusot sa undocumented Filipino workers na umaalis patungong Dubai at ibang mga bansa sa United Arab Emirates (UAE).

Aktibo rin ang “escort service” sa pagpasok ng mga dayuhang ‘kambing’ o Indian at mga Genuine Intsik (GI), kapalit siyempre ng malaking ‘hatag’ sa mga kilabot na tauhan ng BI sa NAIA hanggang ngayon.

Ayon sa impormante, ang dalawang IO ay kapwa nakatalagang ahente ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng BI at umano’y “facilitator” ng escort service sa mga papaalis at paparating na pasahero sa NAIA.

Nagaganap ang palusutan tuwing sina alyas “Chevy Naniong” at “Rommel Hiponia” na kapwa nakatalaga sa TCEU ng BI ang duty sa NAIA Terminal 1.

Kasabwat umano sa diskarte ng rampant human smuggling activities ang ilang nakatalagang Primary Officers sa counter ng NAIA T-1.

‘Di umano, ang asawa raw ni Naniong ang gumagawa ng schedule ng mga TCEUs sa NAIA kaya’t madali nitong naikakamada ang mga pasahero na kanilang palusutin.

Nangangamba naman daw ang kanilang mga kabaro na madamay kapag sumalto ang dalawa kaya’t malimit nilang pinaalalahanan ang mga ito na tigilan ang masama nilang gawain.

Pero ultimo raw payo ng mga kasamahan ay hindi pinakikinggan ng mga sutil na BI agents.

Hindi nakapagtakang balewalain din ng dalawa ang paalala ng mga kasamahan sa trabaho kung ultimo sina Guevarra at Morente mismo ay nagagawa nilang bastosin.

Aba’y, imposibleng malalansag ang human trafficking kung hindi sisibakin nina Guevarra at Morente ang mga suwail na tauhan at ahente ng BI-TCEU sa NAIA.

Santisima!

VENDORS IPALIT NA MAYOR SA NAVOTAS AT CALOOCAN

PINOPROBLEMA nina Navotas Mayor Toby Tiangco at Caloocan Oscar Malapitan ang illegal vendors sa kanilang lungsod na pagkatapos paalisin ay nagsisibalikan din.

Sa ginanap na pulong ng mga mayor, Department of Interior and Local Government (DILG) at Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, reklamo ni Tiangco:

“Actually no’ng 2002 nagpasa kami ng ordinansa na anything found in the sidewalk is considered garbage and will be disposed of as such. Kaya lang ang challenge talaga d’yan is parang pusa at daga ‘yan eh. So pagtalikod, bumabalik. So nagki-clear ulit kami.”

Pareho rin ang hugot ni Malapitan, aniya:

“Sa katunayan noon pa kami gumagawa ng mga clean-up drive, meron lang kaming nagiging problema, kapag na-ayos na namin ang pagclean-up doon sa isang lugar, after one month babalik sila. Eh sa laki ng Caloocan hindi namin pwedeng balik-balikan. So siguro kailangan ho natin ng active participation, accountability ng mga barangay.”

Nakalimutan ba nina Tiangco at Malapitan na obligasyon ng mga tulad nilang alkalde na pana­gutin ang sinomang lumalabag sa batas?

Kaya malalakas ang loob ng vendors na labagin ang batas dahil maraming opisyal sa pamahalaan ang walang political will na pairalin ang rule of law.

Subukan kaya ng Metro mayors na sampahan ng kaukulang kaso ang mga pasaway na vendors para naman magkaroon ng kabuluhan ang batas.

Mas mabuti pa sigurong mag-resign na lang sina Tiangco at Malapitan sa puwesto kung wala naman pala silang kakayahang ipatupad ang rule of law sa kanilang lungsod laban sa anomang uri ng anarkiya kaysa masuspinde, alinsunod sa direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte sa DILG.

Ano kaya’t vendors ang italagang mayors kapalit nina Tiangco sa Navotas at Malapitan sa Caloocan?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *