Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Phil Younghusband, ikinasal na sa Fil-Spanish GF

TAHIMIK na tahimik ang mga pangyayari, kasi naman naganap ang kasalan noong isang araw lamang hindi sa Pilipinas kundi sa Canterbury, United Kingdom. Nagpaksal na ang sikat at poging football player na si Phil Younghusband, sa kanyang napakagandang Filipina-Spanish girlfriend na si Mags Hall. Nabalita lang iyan nang mag-post ng isang picture ng kasal ang kanilang official photographer sa isang social media platform.

Simula pa lang naman ng taon ay sinabing engaged na ang dalawa at talagang may balak nang magpakasal sa taong ito, pero hindi nga nila sinasabi kung kailan at kung saan. Iyang poging si Phil, sumikat din nang husto sa mga movie fan nang maging boyfriend ni Angel Locsin.

Aba maski naman si Angel mas sumikat noon dahil nakilala rin siya at sinundan ng mga football fan, dahil ang kanyang boyfriend ang sinasabi ngang superstar ng sports na iyon. Akala nga ng marami ay magkakatuluyan na ang dalawa, dahil si Angel talagang nanonood ng football tuwing maglalaro si Phil. Kasama rin naman si Phil sa mga showbiz functions ni Angel. Magkasama rin sila sa kanilang church activity. Pero sa hindi mo nga malamang dahilan, bigla ang naging split nila.

Si Angel nakipagbalikan kay Luis Manzano. Si Phil after some time nakilala na nga si Mags.

Sina Luis at Angel, nag-split din naman ulit. Si Phil, ayun at ikinasal na nga kay Mags.

Ganyan talaga ang mga love affair kung minsan. Hindi mo mahuhulaan kung ano ang mangyayaring kasunod, lalo na nga’t ang involved ay mga sikat na personalities, kasi maraming pressure sa kanilang buhay na nakaaapekto ng kanilang mga nagagawang desisyon.

May nagsasabing mali si Angel, dahil pinakawalan pa niya si Phil. Pero sino naman sila para magsabing mali nga ang kanyang naging desisyon?

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …