ANG sinasabi ni Sunshine Cruz, hindi lang naman iyong mga love scene niya sa kanyang bagong pelikula ang dapat tingnan. Ang haba niyong pelikula. May kuwento namang kailangang intindihin. Bakit nga ba naman iyong love scene lang ang pinapansin.
Kasi nitong mga nakaraang araw marami ang nagsasabi na mukhang hindi kagat ng tao iyong love scenes ni Sunshine sa kanyang bagong pelikula. Mukha raw may kulang sa kanyang leading man para maging kapani-paniwala ang mga eksenang iyon.
Ang pakiusap na nga lang ni Sunshine, bigyan naman ng pagkakataon ang kanyang unang attempt na gumawa ng isang pelikulang indie. Panoorin muna kahit na paano ang pelikula at saka na lang magsalita pagkatapos.
HATAWAN
ni Ed de Leon