ANG male star na dating “Malate queen” ay lumipat na pala ng kanyang hunting ground. Madalas siyang makita ngayon sa isang coffee shop, malapit sa isang sikat na bar na istambayan ng mga bagets sa Taguig. Nandoon lang naman siya sa coffee shop, at basta may natipuhan na, may sistema talaga siya para matawag ang pansin ng kanyang gustong maka-date.
At ang sabi, talagang big time na siya ngayon. Kasi ang madalas na trip niya ay iyong mga may lahing models na nakilala rin niya sa modelling. Dahil kakilala na rin niya, madali na niyang kausapin at mas madalas daw tagumpay ang kanyang escapades.
Pero ayaw pa niyang magladlad ng kapa, kasi nga naman may pelikula pa siyang ang role niya dapat ay macho. (Ed de Leon)