PATULOY na umaani ng papuri mula sa publiko si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagiging decisive, isang pambihirang katangian na wala sa maraming nasa pamahalaan ngayon.
Kung hindi ikatatangos ng ilong ni Mayor Isko, sa isang iglap ay biglang nalipat sa kanya ang dating paghanga ng marami kay Pang. Rodrigo “Digong” Duterte.
Tatlong taon na ang lumipas pero hindi nagawang maipatupad ng kanyang administrasyon ang pagbuwag sa illegal vendors, illegal terminals at obstructions sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila kaya’t nabistong inutil ang mga naitalaga ni Pres. Digong sa Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Narito ang mga reaksiyon mula sa ilang mambabasa ng pitak na ito at sa masusugid na tagapakinig ng programang ‘Lapid Fire’ sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz/AM), na sabayang napapanood via live streaming sa You Tube at Facebook:
MYRNA GUILLERMO (West Palm Beach, Florida, USA): “Sadyang amazing talaga si Isko Moreno. I believed Bro. Percy hindi lang ang City of Manila ang may pagbabago, more of the reputations of the Mayor itself. Lahat naman po ay may himalang magbago, at sang-ayon ako sa mga positive comments and good remarks that you’ve given to the City Mayor. This is a good startups to Mayor and co-helpers, government officials, for the good governance. For convicted Erap and his allies, their final destiny has ended. It is sad to say it is bad memories for bad people like him and his allies, more of Erap families, my heartfelt sympathy.”
LINDA PUNZALAN (San Francisco, Ca., USA): “Gusto ko rin ngayon ang ginagawa ni Isko. Wow! Ngayon ko lang nakita na park pala ‘yung Lawton. Ka Percy, sana ‘yung Zamora St., going to Pandacan ay makita rin na may sidewalk pala. Kasi okupado na ng mga extented na bahay at store ang sidewalk. Ang mga bata na galing school from M. A. Roxas High School at Celedonio Salvador, doon na sa kalye nagdaraan. Marami nang nadidisgrasyang mga estudyante. Keep up the good work, Ka Percy, gumaganda ang Maynila at lahat ng sinasabi mo ay may sense at very informative talaga.”
REDY SAN MIGUEL. Tama ang lahat sinasabi mo, Ka Percy. May tindahan kami sa Divisoria no’ng araw, walang gumawa ng ginagawa ni Isko.”
ANNIE FLORMATA SALUDES (UP, Quezon City): “July 3, 2019 nang sabihin ni Ka Percy sa Lapid Fire na puwedeng maging Pangulo ng Filipinas si Mayor Isko.”
JHUNE BASA (Musician): “Puwede! Day 4 pa lang ‘dami na siya nagawa unlike Erap na binaboy at pinagkakitaan ang Maynila kung saan ako lumaki at ipinanganak! Keep up the good work, Mayor Isko!”
DAN AMANTE (Manila): “Sabihin na nating wala lang magawa si Isko dati kay Erap. Pero ngayong siya na ang mayor e doon mo makikita na malaki pala ang puso n’ya para sa kapakanan ng Maynila at ilang araw pa lang e kitang-kita na ang pagbabago sa mga lansangan na kanyang inunang ayusin.”
DAISY MAE VARGAS (Quezon City): “I’m really impressed, his bottled up goals, now getting materialized in such a short period of time. Idealistic young and good looking mayor is now trending. Keep up the good work Mayor Isko, nakabibilib talaga.”
MATEO MAGRACIA (Musician): “Basta’t tuloy-tuloy at huwag ningas-kugon lang. Dapat suportahan ng mga Manilenyo.”
GEORGE SANTIAGO (California, USA): “Always do the right thing Mr. Mayor, Congratulations!”
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
KALAMPAG
ni Percy Lapid