Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daliri ni Liza, ‘di na normal na maigagalaw

MALUNGKOT naman iyong kuwento na matapos ng ikaapat na operasyong isinagawa sa kanyang finger, at sa US pa iyon ha, baka raw hindi na rin maibalik sa rati ang lahat. Ibig sabihin hindi na maigagalaw ang daliri ni Liza Soberano nang normal kagaya noong dati. Hindi rin natin masabi, baka makuha rin naman iyon sa therapy. Kung hindi naman, makaka­sanayan na siguro niya sa pagdating ng araw na hindi na nga normal ang galaw ng kanyang daliri.

Umabot iyon sa apat na operasyon, kasi nagkaroon ng infection noong una eh, at saka medyo mali yata ang pagkaka-opera sa kanya, sa opinion ng isang mas espesyalistang doctor na tumitingin sa kanya sa US ngayon. Mga dalawang linggo pa ang kailangan para gumaling ang sugat, at masigurong walang mangyayaring infection, bago siya makapag­simula ng therapy. Doon malalaman kung hanggang saan pa ang magiging function ng kanyang daliri.

Isipin ninyo, nabalinghat lang iyan doon sa isang action scene niyong Bagani, habam­buhay niyang pagtitiisan iyan. Dahil may bakal, natural na makirot iyan kung malamig.

Pero ang isa pang kuwento, nakipag-meeting na ang kanyang manager na si Ogie Diaz sa kanilang mga abogado dahil desidido silang sampahan ng kaso si Glenn Dy, na kilala sa tawag na “Kapitana Sisa” dahil sa isang blind item niyon na tukuy na tukoy si Liza ang sinasabi niyang buntis.

Hindi lang naman iyan ang una eh, may sinasabi pa nga silang may video pa rin daw iyon sa isang ospital na sinasabi niyang ”nanganak si Julia Montes.” Wala namang ebidensiya. Wala ring ipinakita sa video na nakausap niya sa ospital. At kung mayroon man, sa ilalim ng batas iyon ang tinatawag na “invasion of privacy.” Hindi dahil artista at inaakala mong public property ay masasabi mo na kahit na ano ang gusto mong sabihin. Eh nakalusot noong una, nawili.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …