Friday , February 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, enjoy na enjoy sa pamamasyal sa South Korea

ALIW na aliw si Ate Vi (Vilma Santos) sa kanyang pamamasyal sa South Korea. Namamasyal sila sa isang mall sa Seoul doon sa karamihan ng mga picture. Kasama niya si Senator Ralph Recto, at ang buong pamilya, na sinasabi nga ni Ate Vi na, ”sa Pilipinas, kahit na sa Batangas, hindi ko magagawa ang ganito.”

Hindi talaga puwede. Subukan niyang pumasok sa kahit na saang mall dito kung hindi siya pagkaguluhan ng mga tao. Natatandaan nga namin noong araw, sinubukan niyang pumasok sa isang mall na ang paniwala niya ay up scale naman at siguro hindi siya papansinin ng mga tao. Aba eh sandali lang ang dami nang sumusunod sa kanya. Tapos may naghihiyawan na. Nakiusap sa kanya iyong security ng mall na kung ano ang gusto niyang bilhin sila na lang ang kukuha, dahil natatakot silang mabasag ang mga salamin sa mall. Umuwi na lang si Ate Vi.

Kaya enjoy siya talaga basta nasa abroad eh.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

PAFTA

Juday, Anne, Carla, at Coco pinangunahan PAFTA awardee

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INILABAS na ng Philippine Arts, Film & Television Awards (PAFTA) ang mga nanalo …

Sam Milby Catriona Gray

Sam Milby nag-react sa interview ni Catriona Gray

ni Allan Sancon HININGAN ng reaksiyon ni MJ Felipe ng TV Patrol si Sam Milby sa panayam sa ex-fiancee niyang si Catriona …

Barbie Forteza Charo Santos

Barbie natulala, nagpaka-faney kay Ms Charo

RATED Rni Rommel Gonzales NATULALA si Barbie Forteza nang una niyang nakaharap si Ms. Charo Santos-Concio. “Naaalala ko …

Alvin Aragon

Alvin matutong irespeto paniniwala ng iba

I-FLEXni Jun Nardo TAGUMPAY ang pag-iingay ng dating Starstruck hopeful na si Alvin Aragon. Ibang-iba ang pananaw ngayon …

Priscilla Meirelles John Estrada

John nasaktan nang matanggap desisyon sa divorce nila ni Priscilla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NGAYONG diborsyado na si John Estrada, puwede na raw nitong ilantad ang …