Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Isko, ibinasura P5-M suhol kada araw; paglilinis sa mga vendor, tuloy

MUKHA ngang mabango ang actor na si Isko Moreno bilang bagong mayor ng Maynila matapos niyang linisin ang Divisoria at ang Carriedo sa Quiapo. Hindi lamang sa wala nang madaanan at nagkalat ang basura, talamak din ang mga mandurukot sa mga lugar na iyan. Ngayon nahuli na rin kung sino ang nagpapa-upa ng puwesto sa mga iyan na hindi naman alam ng City Hall.

Pero mabigat ang binitiwang salita ni Mayor Isko, sabi kasi niya “basta nakabalik ang mga vendor sa Divisoria, ibig sabihin niyon nalagyan ako.” Kasi ang alok daw sa kanya P5-M araw-araw na lagay payagan lang niya ang mga vendor sa Divisoria. Iyon kayang paradahan sa tapat ng National Press Club na mayroon pang mga carinderia, magkano naman ang lagay? Tuwing pupunta kami sa opisina ng Hataw iyon ang napupuna namin eh, at doon na naghuhugas, sabay tapon sa kanal.

Kung iisipin mo naman, hindi lang si Mayor Isko. Maraming mga artistang maganda rin ang record bilang mga politiko. Maganda ang record ni Mayor Richard Gomez sa Ormoc. Nakagugulat dahil maski na ang religious community suportado si Ate Vi (Cong. Vilma Santos) sa Lipa.

Sana magpatuloy sila sa ganyan. Sana wala nang artistang masangkot sa mga kaso ng corruption at plunder, kasi nakasisira iyon sa image ng mga artista. Iyang artista kasi, kailangang mapanatili nila ang isang malinis na image. Kaya nga sila hinahangaan ng fans dahil doon eh. Kung lalabas na mandurugas sila, sino nga ba ang hahanga pa sa kanila.

Kaya sana ang lahat ng mga artistang nakapuwesto sa ngayon, magaya riyan kina Mayor Isko, Mayor Goma, at Ate Vi, na maganda ang ipinakikitang record ng paglilingkod. Nakita naman ninyo hindi natatalo. Pero basta sa tingin ng tao mandurugas, asahan ninyo kahit minsan hindi mananalo iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …