MAGING si dating Mayor Alfredo Lim ay tiyak na nagagalak sa malaki at mabilis na pagbabagong nasasaksihan ngayon sa Maynila na isinusulong ng administrasyon ni bagong Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lungsod.
Sa mga kahanga-hangang nakikita sa Maynila ngayon nakatuon ang pansin ng publiko, at pati mga kababayan natin sa malalayong bansa ay hindi mapigilang ipahayag ang kanilang paghanga sa ipinamamalas na ‘political will’ ni Mayor Isko upang maibalik ang kaayusan sa lungsod na nababoy sa nakalipas na 6-taon pamumuno ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada.
Mababasa ang ilan sa mga reaksiyon ng masususgid na tagasubaybay ng pitak na ito at ng ating programang “Lapid Fire” na napapakinggan gabi-gabi sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz/AM), 10:00 pm – 12:00 mn, Lunes hanggang Biyernes, at sabayang napapanood via live streaming sa Facebook at You Tube:
YUJI HIROSE: “Tagal ko na hindi nakapupunta sa Divisoria, makabisita nga minsan. Nandoon pa rin ba ang Tutuban Mall, Ka Percy Lapid?”
ARMANDO VILLAFUERTE LIMOS: “Lumitaw na ang Tutuban Mall, meron pa pala. Naku Isko, ituloy mo lang!”
AMOR MIRANDA TORRES: “Puwede po pala malinis ang Divisoria kung talagang gusto at maayos ang pamamahala.”
NONIE “ELVIS” YAMBAO (Singer/Musician): Maganda na mamili sa Divisoria, galing kami ng misis ko kaninang madaling araw, 4:00 am. Malinis at maluwag na ang kalsada, at may disiplina na ang vendors. Mula sa Juan Luna, nakararaan na kami until sa dulo ng bilihan ng prutas using my e-bike na 3-gulong. Sana tuloy-tuloy na ‘yan at hindi ningas kugon lamang. Dati ay lumiligid pa kami papuntang Chinatown, Juan Luna at sa likod ng Divisoria Mall makapag-short cut lang sa bilihan ng mga prutas. Sobrang hirap dumaan, mabaho, maputik, maraming kariton at kuliglig na makasasalubong. Ngayon swabe na! Sana tuloy-tuloy lang. Puwede naman pala, e! Check din ninyo ang Quiapo at Avenida, napakaluwag at malinis na rin.”
LEDS CHULVO (Musician): “Sana ma-restore ang Escolta.”
VICENTE FRADILLA (Ca., USA): “Support Mayor Isko Moreno, good work!”
RAION ENIKOSE (Saitama, Japan): “Sir Percy, wish po tuloy-tuloy na po ‘yan at totoo, hindi ningas-kugon, hindi pakitang-tao lang.”
JORGE BAETIONG (Tokyo, Japan): “Go, go, lang Mayor Isko, nakasuporta ang Tropang Lapid Fire sa ‘yo sa magagandang move mo sa Manila. 48-Hours done! Bakit kay Erap ay 6 years hindi natanggal ‘yan? Alam na this…pera!”
BENNY SUPAN (Sydney, Australia): “Sana ‘yung mga criminal at mga low life criminal na nagsasamantala sa law-abiding citizens, linisin din.”
- FORTICH: “Sana po pati kahabaan ng C2-Capulong at Radial Road-10 bisitahin din nila. ‘Yung 4 lanes dati, naging 2 lanes na lang ngayon at laging trapik dahil sa kaliwa’t kanang naka-park na sasakyan, truck at mga tricycle. ‘Yung iba, ginagawa pang extension ng mga bahay nila at sinakop pati kalsada.”
CARMELITO VALLES ALCANTARA: “‘Yung Avenida corner Recto Ka Percy, dami pa rin putahan at mga sidewalk nagbebenta ng dildo, sex item at mga sex pills. Baka marami pa mabiktima dito.”
KIX PORKIE ALBA: “‘Yung ilegal na paradahan sa mga kalye dapat alisin, at illegal terminal sa Maynila. ‘Yang mga katiwaldas ng dating kotong erap sibakin.
JOEL DIAZ: “Dapat lang para hindi pamarisan ng iba. Mabuhay kayo, Mayor Isko! Mabuhay din kayo Ka Percy dahil nailalahad n’yo ang daing ng taongbayan. More power ho sa inyong column at sa inyong programang Lapid fire.”
DENNIS M (Tondo): “Sana mapansin din ang kahabaan ng Francisco Varona mula Magat Salamat (Perla St.) hanggang Ugbo (dating Procter and Gamble), bisikleta at scooter na lang ang nakadaraan sa dami ng illegal parking at extension ng mga tindahan.”
- PINEDA (Tondo): “Napakasarap maglakad ngayon sa Divisoria, ang linis at ang luwag. Sana laging gano’n, gusto ko rin makita ‘yung harap ng simbahan sa gabi kung wala nang sugalan (beto beto) sa harap no’n.
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
KALAMPAG
ni Percy Lapid