MASAYANG-malungkot si Perla Bautista noong ibigay ni Fernan de Guzman, dating presidente ng Philippine Movie Press Club at may radio show sa Inquirer, ang Wow It’s Showbiz, ang plaque niyang Legacy Award mula sa organizer ng Subic Bay International Film Festival na ginanap sa Subic, Zambales.
Nalulungkot si Perla dahil hindi siya nakasipot sa gabi ng parangal dahil may taping siya bukod sa napakalayo ng lugar.
Malaki ang pasasalamat niya sa promoter ng naturang filmfest.
Mayor Vico, maraming pagbabago ang gagawin sa Pasig
MARAMI ang nanabik sa pag-upo ng bagong mayor ng Pasig, si Mayor Vico Sotto, anak nina Coney Reyes at Vic Sotto.
Marami kasing pagbabago ang ipinangako ng binata habang nasa kampanya noon. Nauna na ngang ipinatupad agad pagtanggal ng odd-even scheme.
Paano ba naman 20 years nakaupong mayor ng Pasig noon ang tinalo ni Vico kaya naghahanap naman sila ng pagbabago tungo sa kaunlaran ng mamamayan.
Shaira, ‘di tanggap ng moviegoers
HINDI naging masigla ang mga nagpupunit ng tiket sa mga pumapasok para manood ng first time na pagbibida nina Shaira Diaz at David Licuaco.
Tipong hindi yata sila napagod man lang sa pagpupunit ng tiket dahil madalang daw sumilip sa sinehan ang mga tao.
Napakaaga naman kasing binigyan ng lead role si Shaira gayung hindi pa kilala. Rati siyang ibini-build-up ng TV 5 pero hindi rin naman masyadong umalagwa ang career.
Maganda si Shaira at magaling din namang umarte pero hindi iyon sapat para kagiliwan siya ng mga manonood.
Anyo ni Alden, binago ng ABS-CBN
NAKABIBILIB ang Kapamilya Network dahil binago nila ang anyo ni Alden Richards.
Nagkaroon ng bangs kaya’t nagbago ang anyo.
Alam mo naman ang ABS-CBN, bago ka iharap sa publiko kailangang plantsado.
Suwerte ni Alden nakatikim ng directorial touch ni Cathy Garcia-Molina.
Pag-aagawan nina Mina at Glydel kay John, natapos din
FINALLY, natapos na ang mga eksenang patakbo-takbo nina Barbie Forteza at Mica dela Cruz dahil tinuldukan na ang seryeng Kara Mia.
Natapos na rin ang pagtatarayan nina Carmina Villaroel at Glydel Mercado sa pag-aagawan sa kamachuhan ni John Estrada.
Pero teka, ano ito bakit napatay na si Mike Tan sa ending ng istorya? May imahe pa siyang ipinakita na pangiti-ngiti. Ano ba raw ang ibig sabihin nito, may part two pa?
Naku, please tama na po, pagod na pagod na kami sa panonood ng Kara Mia.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales