Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paghuhugas ng pinggan ni John Lloyd, minasama ng netizens

NAGSIMULA lang naman iyon sa isang katuwaan siguro, kinunan nila ng picture ang actor na si John Lloyd Cruz na naghuhugas ng pinggan at inilagay iyon sa social media. Dahil inilabas nila sa social media ang kanilang katuwaan, nagkaroon na naman ng pagkakataon ang mga troll na magbigay ng kung ano-anong comments.

May mga pumuri naman at nagsabing mukhang nasanay na si John Lloyd sa simpleng pamumuhay. Aba eh kung noong panahong busy iyan sa pagiging artista, buti kung mautusan mo iyang maghugas ng pinggan. May nagsasabi naman na kung maghugas siya ng pinggan ay marami ang nasasayang na tubig, dahil hindi nga sanay eh. Tuloy-tuloy na bukas ang gripo. Mayroon pang nangangantiyaw na mukha raw “under” si John Lloyd ni Ellen Adarna.

Eh ano nga ba ang pakialam natin kung ano ang arrangements sa paghahati ng trabaho sa bahay nina John Lloyd at Ellen? At saka araw-araw ba namang naghuhugas ng plato si John Lloyd?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …