Monday , December 23 2024

Illegal terminal ni ‘Chairman’ sa Lawton ipasasara ni Isko

MATUTULAD sa binu­wag na illegal vendors sa Divisoria ang illegal terminal ng mga pam­pasaherong bus at kolorum na van sa harap ng Central Post Office at palibot ng Plaza Lawton.

Tiniyak mismo ni bagong Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ipatat­anggal ang salot na illegal terminal na malaon nang inirereklamong nagpapasikip sa trapiko at lumalapastangan sa paligid ng Liwasang Bonifacio.

May hamon pa ang bagong alkalde sa “Chairman” na tinukoy niyang may hawak sa illegal terminal, sabi niya:

“Sa Post Office, illegal terminal, hawak ni Chairman. O sige, subukan ninyo! Wala namang problema, e. Ipagpatuloy n’yo, subukan n’yo lang!”

Ang Plaza Lawton na nagsisilbing illegal terminal ng mga pampasaherong sasakyan ay sakop ng Bgy. 659-A at pinamunuan ni dating chairman Ligaya Santos sa loob ng mahabang panahon.

Taong 2012, isang ordinansa na iniakda ni dating Kon. Marlon Lacson ang ipinasa ng Kon­seho na nagpapabuwag sa nasabing barangay habang si Mayor Isko ang noo’y nakaupong bise alkalde ng lungsod.

Ayon sa ordinansa, labag sa batas ang pagkakatatag ng Bgy. 659-A dahil wala itong sapat na bilang ng residente na 5,000 pataas na nasasaad sa Local Government Code.

Sa pangunguna ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim, makailang ulit sinalakay ng kanyang mga tauhan ang illegal terminal pero nagpatuloy pa rin ang operasyon nito.

Dahil sa patuloy na pagbalewala sa pakiusap na kusang buwagin ang illegal terminal, si Santos ay kinasuhan ng MMDA at Department of Interior and Local Government (DILG) noong nakaraang taon.

Una nang nagbabala ang alkalde na popo­sasan ang mga pasaway na opisyal ng barangay sa Maynila na mahuhuling sangkot sa mga illegal na gawain sa kanilang teritoryo, kasama ang pangongotong.

Bukod kay Chairman ay may iba pang mga nakikinabang sa ‘payola’ ng illegal terminal, ayon sa alkalde:

“Kasi, malakas ang loob ni Chairman, alam mo kung bakit? May tumatanggap e, sina Eddie’t si Patti, e! O, ngayon, maghanap sila ng tatanggap. O, ‘pag walang tumanggap, ano gagawin ng mga ‘yon? Eskiyerda lahat ‘yun! So, tatanggalin natin, ha!”

Todas na ang limpak na delihensiya at maliligayang araw ni Chairman kapag naipasara ang kanyang illegal terminal.

 

TITO SEN, TALENTADO!

MAY naitatago pa palang karunungan si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ngayon lang nailabas.

Ito’y ang posibleng talent niya bilang isang ‘marine scientist’ na tutuklas sa mga klase ng isda na lumalalangoy mula China para dumayo sa West Philippine Sea.

Posible pala para kay Tito Sen na kaya dumarayo ang mga barkong pangisda ng mga Intsik sa atin ay para habulin at hulihin ang kanilang mga isda na matitigas ang ulo na lumalangoy sa ating mga karagatan.

Aba, teka! Sino’ng mag-aakala na sa hinaba-haba ng panahon ay ngayon lang nadiskubre ‘yan, bale ba ay isang senador pa ang nakatuklas!

May nagdududa tuloy na baka raw si Sotto at ang super hero na si ‘Aqua Man’ ay iisa.

Mula noon hanggang ngayon, buong akala natin ay magkakaiba ang uri ng mga isda – iba ang nabubuhay sa malamig at iba rin ang nabu­buhay sa mainit – depende sa klima.

Posible kaya ang mga isda natin ay may dala-dalang kumot kapag dumarayo sa China para hindi sila ginawin?

Sabi naman ng iba, walang kataka-taka dahil sadya raw talagang henyo si Tito Sen, kahit noong nasa elementarya pa lang, siya ang “Fish Honor” sa klase.

Kaya naman daw kapag nagsimba si Tito Sen ay “Fish be with you” ang bati sa kanya ng pari pagkatapos ng misa.

Talentado ka talaga, Tito Sen!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *