Saturday , December 28 2024

Cong. Alfred, ‘di puwedeng pangunahan ang CCP at NCCA sa pagtatalaga ng magiging National Artist

HINDI puwede ang short cut. Hindi maaaring mai-fast track ang pagiging isang National Artist, bagama’t gusto rin sana namin na magkaroon agad ng ganyang parangal ang yumaong actor at director na si Eddie Garcia. Kahit na nga si Congresswoman Vilma Santos, na noon pa nila sinasabing dapat maging National Artist, nagsabing ”bago ako, si Eddie Garcia muna.”

Wala kang masasabing masama tungkol kay direk Eddie. Marami siyang karangalang nadala sa Pilipinas. Huwag na nating pag-usapan ang local awards, napakarami na niyan at sinasabi ngang kahit na siya ay yumao na, maaaring madagdagan ng isa pa ang kanyang acting award na mula sa isang mapagkakatiwalaang award giving body. Si Eddie ay nahirang nang Asia’s Best Actor at marami pa siyang awards mula sa iba’t ibang festivals abroad.

Higit sa lahat, walang ginawa si Eddie na nakapagbigay ng kahihiyan sa ating bansa para tanggihan ng kahit na sinong presidente ang kanyang nominasyon.

Pero hindi iyan maipa-fast track. Kung babasahin ninyo ang batas na lumikha niyang “order of national artists”, iyong Presidential Proclamation 1001 na ginawa ng dating Pangulong Ferdinand Marcos noong April 2,1972, itinalaga niyang Board of Trustees ang Cultural Center of the Philippines at ang National Commission for Culture and the Arts, bilang administrators ng parangal na iyan. Sila ang gagawa ng rekomendasyon sa presidente. Ang presidente naman ng Pilipinas ang gagawa ng isang Presidential Proclamation na magtatalaga sa National Artist. Maliwanag ang batas na may gagawa ng pag-aaral at rekomendasyon, at iiral ang presidential prerogative para maideklara ang isang National Artist.

Kung natatandaan ninyo, nagkaroon diyan ng controversy noong 2009. Inalis ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo ang pangalan ni Ramon Santos na rekomendado ng CCP at NCCA para sa musika. Sa halip, idinagdag ng presidente sinaCecille Guidote AlvarezMagno Jose “Carlo” CaparasFrancisco Manosa, at Pitoy Moreno. Umangal ang ibang national artist, dahil sinasabi nilang mali. Kakulangan daw sa delicadeza ang pagkakatalaga kay Guidote-Alvarez dahil noong panahong iyon siya rin ang commissioner ng NCCA. Nagprotesta rin sila laban kay Caparas.

Lumabas ang desisyon ng Korte Suprema noong 2013 na nagsabing maaaring hindi tanggapin ng presidente ang rekomendasyon ng CCP at NCCA, kagaya nga ng dalawang ulit na pagkaka-junk kay Nora Aunor, na hindi isinama ni Presidente Noynoy, at muling na-junk ng Pangulong Duterte dahil sa ilang hindi magagandang usapan na sa palagay ng dalawang pangulo hindi maganda para sa National Artist.

Pero maliwanag na maski na ang presidente hindi puwedeng basta magdagdag ng pangalan sa listahan nang hindi ikinokunsulta man lang ang CCP at NCCA.

Sila lang ang may kapangyarihan sa pagtatalaga ng isang National Artist. Ang magagawa lang ni Congressman Alfred Vargas na nagsabing aasikasuhin niya iyan pagbubukas ng Kongreso sa July 22, ay magharap ng panukalang amendment kundi man isang bagong batas para sila na ang lumikha ng National Artists. Dahil may umiiral pa ngang batas, iyong Presidential Proclamation 1001 s1972. Alisin muna nila ang batas na iyon bago sila lumikha ng isang National Artist.

Wala sa kapangyarihan ng Kongreso ng Republika ng Pilipinas ang lumikha, at magproklama kung sino ang isang National Artist. Iyan ay nananatiling isang “presidential prerogative.” Pinatibayan pa iyan ng Korte Suprema, at kahit na sinong abogado ay magsasabi sa inyo, ang desisyon ng Korte Suprema maging tama o mali sa palagay ninyo, ay nagkakaroon ng bisa ng isang umiiral na batas.

Hindi lahat ng sabihin ng isang congressman ay nagiging isang batas.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *