Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine Lustre, maka-grandslam kaya?

KUNG si Nadine Lustre ay susuwertihin ding mapili ng mga entertainment editor ng mga lehitimong diyaryo lamang, bilang best actress sa kanilang EDDYS Choice sa July 14, aba grandslam na siya. Kaya kung hindi man niya natanggap nang personal ang iba niyang awards, kailangang mag-isip na siyang magpagawa ng isang magandang gown, at maghandang dumating sa EDDYS, dahil kung suwertihin siyang manalo, siya na ang may pinakamatibay na katayuan sa mga batang artistang babae ngayon.

May nagsasabi agad, hindi niya nakopo ang lahat ng awards. Hoy pero tingnan ninyo, siya ang nanalo roon sa Young Critics Circle. Siya rin ang naging best actress doon sa “reformed FAMAS” awards. Siya rin ang naging choice ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Aba sa ngayon ang mga award na iyan ay iginagalang.

Kung makukuha niya iyong EDDYS, na sinasabi nga naming siya lang pinaniniwalaan, aba grand slam na siya dahil nakuha niya lahat ng mga respetadong awards. Hindi na bale iyong ibang awards. Hindi na bale iyong galing sa mababang paaralan ng kung ano man, o iyong mga award na pinagdududahan, doon na lang tayo sa pinaniniwalaan at walang kaaliwaswasan.

Ganoon din naman si Eddie Garcia, na nominated din sa EDDYS. Kung iyan ang kanyang magiging huling tropeo sa taong ito bilang best actor, aba baka maka-revive siyang bigla. Naroroon ang respeto ng industriya sa kanya, at huwag ninyong sabihing comatose iyong tao dahil lumabas sa kanyang Electroencephalography o EEG na mayroong “minimum brain activity.” Sabihin mo mang minimum iyan, aba buhay ang kanyang isip at naroroon ang posibilidad na alam niya ang nangyayari sa paligid niya.

Noong ihatid sa kanya iyong trophy niya mula sa Manunuri, sigurado alam niya iyon. Kung maihahatid din sa kanya iyong EDDYS pagkatapos ng awards, aba napakalaking bagay niyon at alam naming gagawin naman iyon ng kanyang director na si Joel Lamangan at producer na si Harlene Bautista.

Iyang EDDYS na lang ang hinihintay namin. Wala kasi kaming duda sa awards na iyan eh.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …