Saturday , November 16 2024

Security of Tenure (SOT) Bill tinuligsa ng labor group

TAHASANG sinabi ng labor group na Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) na peke ang Security of Tenure (SOT) Bill at hindi naman nagbibigay ng seguridad sa trabaho sa manggagagawa ang nasabing batas.

Iginiit ng BMP, halos lahat ng labor groups sa bansa ay may kritisismo sa SOT Bill at panahon na upang likhain ang pinakamalawak na pagkakaisa ng mga manggagawa para ipaglaban ang repormang totoong pupuksa sa salot na kontraktuwalisasyon.

Ang umano’y palsipikadong SOT Bill na pumasa sa dalawang kamara matapos sang-ayunan ng mga kongresista ang Senate Bill 1826 (End Endo bill), ay mas konsesyon sa mga kapitalista kaysa reporma para sa mga mangga­gawa.

“Hindi na ito kinontra ng mga kapitalista (sa katauhan ng mga mambabatas na nasa kanilang bulsa). Sapagkat nakuha naman ng kapital ang kanilang ninanais — ang gawing legal o kilalanin bilang “legitimate contracting” ang pagkokontrata sa mga trabahong “non core” sa operasyon ng mga prinsipal na employer.

Nanaig dito ang kanilang paghahangad ng mura at maamong manggagawa, na hindi nila direktang empleyado kundi magiging regular na trabahador ng kanilang mga service provider,” ani BMP chairperson Leody de Guzman.

Kabilang sa mga kritisismo ng BMP ang mga sumusunod; inalis ang kapangyarihan ng DOLE Secretary na ipagbawal ang contracting kung ito ay nakakasama sa karapatan at kagalingan ng manggagawa; pinanatili nito ang trilateral work arrangements; ininstitusyonalisa ang pagkontrata sa trabahong “non core” kahit ito ay “usually necessary or desirable;” at nagbabalatkayo sa pangalang “security of tenure” ngunit, dahil hindi binuwag ang mga trilateral arrangement, ay nagpapanatili sa salot na kontraktuwalisasyon.

Nabatid na nakatakdang ilatag ang naturang bill sa mesa ng Pangulong Duterte para sa paglalagda.

Gayonman nanawagan ang BMP sa mga manggagawa na ipaglaban ang pagbasura sa pekeng SOT Bill, pagtuunan ang pagbibigay ng pressure sa Malacañang at patuloy na igiit ang executive order para sa prohibisyon ng pagkokontrata ng trabaho.

“At kapag pinirmahan na ni Duterte ang batas na kunwari’y sa seguridad sa trabaho, organisahin ang mga manggagawa sa trabahong “non-core.” Sigurado tayong walang pagbabago sa kanilang katayuan gaya ngayong sila ay kontraktuwal na mga empleyado ng kani-kaniyang agency. Palagiang may banta ng pagtatanggal tulad ng nangyari sa Asia Brewery/Waterich na tinapos ng principal employer ang kanilang kontrata ng contractor bilang tugon sa pag-oorganisa ng mga kontraktuwal na isang union,” dugtong ni De Guzman.

Paliwanag ng BMP leader, natiti­yak din aniyang mas mura ang kanilang pasu­weldo sa direct-hire na nasa  sa “core” na trabaho ng mga prinsipal na employer (kahit maging regular sila sa kani-kanilang mga agency).

“Kongkretong mga laban ng mga manggagawang non core ang pinakaepektibong paraan ng paglalantad sa hungkag na batas. Ang mga labang ito ang maglalatag ng mga batayan para sa isang mas malakas at nagkakaisang kilusang paggawa na maghahapag ng mga repormang totoong magtataguyod at magtatanggol sa ating konstitusyonal na karapatan para sa seguridad sa trabaho,” ayon pa sa BMP.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *