Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Tunay na sugo ng ‘Pagbabago’ sino sa mga naghahangad na maging Speaker sa Kamara?

KUMUKULO na sa init ang speakership race sa Kamara. Ilan sa mga matutunog na mag-aagawan sa puwesto ay sina Alan Cayetano, Martin Romualdez, Pantaleon Alvarez at Lord Allan Velasco.

Sinasabing malapit sa mga Duterte si Velasco lalo na kay Davao mayor Sara Duterte dahil ipinangalan pa nito kay Inday Sara ang isa sa mga anak ng kongresista.

Ngunit marami ang nagtatanong kung bakit sa sobrang lapit umano kay Digong, hindi man lamang nagawang iangat ni Velasco sa top 5 ng mga nanalong senador sa Marinduque si Bong Go na kanang kamay ng pangulo.

Kinulang ba sa suporta ni Velasco si Bong Go taliwas sa naging ranking sa mga lugar ng ibang kandidato bilang speaker of the house?

Maiintindihan natin na number 1 si Go sa Davao na lugar ni Alvarez dahil tagaroon din siya. Pero bakit number 3 si Go sa Tacloban na lugar ng mga Romualdez at number 3 din siya sa Taguig na lugar naman ng mga Cayetano.

Mapapaisip ka tuloy kung kaya bang suportahan at itawid ni Velasco ang legislative agenda ni Duterte sa kongreso na mismong si Bong Go nga ay hindi niya nakuhang itawid sa top 5 sa kanyang lugar sa Marinduque?

Noon ngang 2016 presidential election, hindi naman si Digong ang sinuportahan ni Velasco kundi si Grace Poe. 

Samantala si Cayetano, naging running mate ni Digong at si Alvarez, naging speaker ng kamara sa unang dalawang taon ng Duterte adminis­tration. Ang tanong, ano ba talaga ang nagawa ni Velasco hindi lang sa pangulo kundi pati sa bayan?

Nasa homestretch na ang administrasyong Duterte. Tatlong taon na lang ang nalalabi sa kanyang panunungkulan. Marami pang mga panukalang batas na kasama sa campaign promise  ng pangulo na dapat bigyang atensiyon.

Sana ay pag-isipang mabuti ng mga mam­babatas sa Kamara de Reprentantes kung sino ang tunay na nararapat iluklok bilang speaker of the house na tunay na magtataguyod at ipaglalaban ang nalalabi pang legislative agenda ni Digong.

Huwag kalimutan na pagbabago ang hangad ni Digong.

 

NAIA T-1
TERMINAL HEAD
TODO-SUPORTA
SA IMMIGRATION

MAGANDA ngayon ang “rapport” ng kasalukuyang terminal manager ng NAIA Terminal 1 na si Ms. Irene Montalbo sa kasalu­kuyang BI Terminal 1 Head na si Cecil Jonathan Orozco at Deputy niyang si Vincent Bryan Allas.

Lahat daw ng requests ng Immigration ngayon sa naturang terminal manager ay napagbibigyan lalo na kung ikagaganda at ikaaayos ng sistema ng operations sa airport.

Kung dati raw ay aabutin ka nang siyam-siyam bago sila mapagbigyan sa kanilang mga kahilingan, dito kay Ms. Montalbo ay mabilis pa sa lipad ng mga eroplano kung umaksiyon ang naturang manager ng NAIA 1.

Gaya na lang ng mga karagdagang TV monitors sa area na magiging madali para sa immigration officers at pasahero na makita ang schedule ng ongoing flights, pati raw nameplates na dapat ay sagot ng mga empleyado ng BI ay tuluyan na rin sinagot ni Bb. Montalbo.

Tunay nga namang kaaya-aya kung ganitong klase kabilis umaksiyon ang isang “bossing” ng paliparan.

‘Di tulad ng ibang airports sa Filipinas na mismong mga immigration terminal heads pa ang kinakailangan mag-provide ng gamit sa kanilang opisina na dapat sana ay sagot ng pangasiwaan ng CAAP.

Diyan lang sa Kalibo International Airport, saan ka nakakita na kahit mga immigration counters ay terminal head pa ng BI ang nagpa­pagawa gayong dapat ay sagot ito ng pamunuan ng CAAP.

Susmaryosep!

Balita natin kahit nga raw electric fans para sa mga pasahero at mga silya sa counters ay sariling sikap din ng immigration doon?!

Sus ginoo!

Sabagay kahit nga ang konstruksyon ng airport sa KIA ay tuluyan din natengga?!

Sana naman ay dumami pa ang gaya ni Ms. Irene Montalbo sa lahat ng airports sa Filipinas!

Saludo po kami sa inyo, Madam!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *