Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, may hate campaign

EWAN nga ba kung ano ang takbo ng isipan ng mga tao kung minsan. Noong araw, puring-puri nila si Angel Locsin, lalo na noong panahon ng bagyong Yolanda. Kasi nakita nga nila si Angel na nakasalampak sa pagkakaupo sa sahig habang nagbabalot ng relief goods bilang isang volunteer ng Red Cross. Hindi lamang iyon, natatandaan namin nag-donate siya ng isang kotse niya sa fund raising ng isang network noon para ang mapagbibilhan niyon ay magamit para sa rehabilitation program para sa mga nasalanta ng bagyo.

Hindi roon natapos iyon. Pinapalakpakan nila si Angel dahil maya’t maya ay nakikita mo siyang nagbibigay ng sarili niyang dugo para madugtungan naman ng buhay ang mga nangangailangan.

Hindi lamang bilang isang aktres, kundi bilang isang tao, naniniwala kaming ginampanan nang maayos ni Angel ang kanyang tungkulin sa lipunan.

Nagsimula lang naman iyang tila “hate campaign” laban kay Angel nang makita ng ilan ang kanyang mga political leaning. Hindi mo naman maiiwasan ang mga bagay na iyon dahil tiyuhin nga mismo ni Angel ang kandidato, at natural ano man ang sabihin ninyo, matimbang ang dugo. Hindi iyan kagaya ng kaso ng ibang endorsers na binayaran lamang. Tiyuhin nga niya iyon eh, kaya kailangan niyang kampihan. Gusto man siya o ayaw ng mas nakararami, hindi naman kasalanan ni Angel iyon.

Hindi rin namin ibinoto ang tiyuhin ni Angel, pero mali iyong ginagawa ng iba na sinasabing i-boycott si Angel, i-boycott ang kanyang tv shows, dahil lamang doon. Iba iyong pagiging aktres ni Angel kaysa paniniwala niya sa politika. At saka tama rin ba na dahil lang doon kalimutan na ninyo ang lahat ng kabutihang kanyang ginawa?

Ngayon, ipinamamarali pa nila na ang serye ni Angel tinalo na ng isang baguhan. Ipagpalagay na nating totoo, pero hindi nga dapat sabihin o gamitin ang mga bagay na iyon dahil sa mga personal na paniniwala lang. Maging fair naman tayo.

ni ED DE LEON

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …