Friday , December 27 2024

Darna, may ‘balat ba sa puwet’ kaya katakot-takot na ang delay?

HINDI  naman sa pina­ngu­ngunahan namin, pero mukhang iyong kanilang announced audition para sa lalabas na Darna sa pelikula ay hindi naman audition talaga para sa mga bagu­han, kasi ang lumalabas na sumailalim sa audition ay mga dating talents na rin.

May nagsasabi namang talagang open sana ang audition, pero wala namang masyadong dumating na mga baguhang nag-ambisyong maging Darnasa pelikula, kaya nga raw nagtawag na lang ng ibang talents para hindi naman sayang ang oras sa scheduled audition nila.

Ano man ang totoong nangyari, mukha ngang wala tayong aasahang maaaring mangyaring milagro sa pelikulang iyan kung sakali.

Hindi mo naman sila masisisi kung ipinagpipilitan pa rin nila ang nasabing project. Napakalaki na siguro ng gastos nila sa pelikulang iyan. Nag-pre production na iyan bago pa umayaw si Angel Locsin. Panibagong pre-production at paghahanda na naman bago tumanggi si Liza Soberano. Ngayon gastos na naman sa paghahanap ng panibagong Darna.

Aba eh kung hindi kikita iyan kahit na 20 porsiyento lamang ng kinita ng Avengers baka lugi pa ang pelikulang iyan.

Kung noong araw iyan, ipagpapaliban na muna ng producers ang paggawa ng proyektong iyan dahil mukhang wala nga sa timing. Aba lahat na lang ng klase ng delay inabot na. Dalawang ulit na silang nagpalit ng artista. Nagpalit na rin sila ng director. Baka nga ang dapat, magpalit na muna sila ng project.

Ang dami pa namang magagawang pelikula, bakit nga ba kailangang ipilit iyang Darna?

Anak ni Kuya Germs, magtatayo ng international talent management

NOON bang nagsisimula si Lea Salonga sa ‘That’s Entertainment’ may nakahula na siya ay magiging isang malaking international star? Wala naman eh. May talent siya. Maganda siya. She has the makings of an international star, pero walang offer until ‘Miss Saigon’ came.

Iyan ang sinasabi ko, maraming mga artistang Filipino ang magaganda at may talent na kayang lumaban kahit na kanino, pero walang tamang contacts. Iyon ang balak ng international talent management na balak kong simulan. Kami ang hahanap ng trabaho nila sa abroad,” ang pagkukuwento ni Federico Moreno, anak ni Kuya Germs noong makausap namin sa launching ni Bianca Umali bilang bagong endorser ng isa pa niyang negosyo, iyong X Cess Salon.

Marami ngang contact iyang si Federico, at palagay namin kayang-kaya rin niyang tumulong sa ating mga local talent na magagalig naman talaga.

Mga politikong inendoso ng ilang artista, bumalibag

TAPOS na ang eleksiyon. Tahimik na ulit. At ang sinasabi nila, maraming mga politikong ikinampanya ng mga sikat na artista na bumalibag din. Hindi rin ibinoto ng mga tao. Kung kami ang tatanungin, magandang feedback iyan. Ibig sabihin niyan nag-mature na ang kaisipan ng mga botante at hindi basta ikinampanya ng isang sikat na artista iboboto, na nila.

Sikat man ang nagkakampanya kung mukha namang walang magagawa sa bayan ang ikinakampanya niya eh bakit mo naman iboboto?

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *