Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Probinsyano, malaki ang naitulong sa kandidatura ni Lito

HINDI maikakaila na malaki ang naitulong ng paglabas sa Ang Probinsyano ni Lito Lapid para umangat sa number four sa isinagawang survey sa mga tumatakbong senatoriable candidate.

Mapupuna ring hindi na siya nag-a-advertise tulad ng iba na boring na, nakasasawa pa sa pandinig ang mga papuri sa sarili.

Malaking bagay ang pagtulong ni Lito sa mga datihang stuntman na maisama rin sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Pagkokontrabida ni Ana sa isang serye, lumang-luma

TILA mala-Sampaguita Pictures ang estilo ng pagkokontrabida ni Ana Roces kay Bianca Umali sa Sahaya. Tipong pang-aapi sa mahihirap komo’t mayaman.

Nakare-relate pa rin naman ang ilang mga dating tagahanga noon sa ganitong tema ng istorya.

May nagtatanonng nga kung bakit may bading na kaibigan si Miguel Tanfelix. Hindi ba’t bawal magbakla ang isang lalaki lalo’t isa siyang Muslim? Paano siya nakalusot?

Bago o luma ba ang magda-Darna?

ANO kaya ang magiging epekto ng pa-audition ng Kapamilya Network sa Darna?

Kung saan-saan kasi nanghahagilap ng mga nag-aambisyong gumanap sa Darna gayung baka ang ending, isang sikat ding Kapamilya ang mapili.

Kawawa naman kung ganoon ang mangyayari na marami ang umaasam.

Super Tekla, super effort, matal­bugan lang si Vice Ganda

AYAW patalbog ni Super Tekla sa mga outfit ni Vice Ganda.

Marami ang nakakapansin na talagang effort na effort si Super Tecla  sa mga kasuotang ginaamit sa kanyang show every Sunday with Boobay.

Marami rin ang nakakapansin na mas agaw attention ang kaayusan ni Tecla kaysa kay Vice Ganda na puro blond long hair.

May movie na rin ngayon si Tecla sa GMA.

***

BIRTHDAY greetings to May celebrants—Dr. Hayden Kho, May Villarica, Rochelle Pangilinan, Dean Amado Valdez, at ex-Gov. Tingting Cojuangco.

OUR deepest condolences sa Santiago family sa pagyao ni Mr. Kim Fokoda ng Kintaro Resto Bar sa Baliuag, Bulacan. Asawa ng dating singer na si Carol Santiago si Fokoda na naging kaibigan ng mga showbiz people.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …