Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, pinapak ng surot sa Taiwan

NATAKOT din naman ang aktres na si Sunshine Cruz na baka may madala pa silang surot sa kanyang bahay, matapos magbakasyon sa Taiwan at nag-check in sa isang hotel na maraming surot at papakin habang nagbabakasyon.

Walang nagawa si Sunshine kundi magreklamo laban doon sa Papa Whale Hotel, na siyempre pinaniwalaan nilang isang five star establishment dahil bakit naman sila ilalagay ng kanilang travel agent sa isang hotel na tadtad ng surot. Pero totoo, roon na raw yata natipon ang pinaka-maraming surot at talagang pinapak sila.

Nagreklamo silang ilipat sa walang surot na hotel, kaso marami sila at wala namang agad na malilipatang magkakasama rin sila. Kaya cut short na lang ang kanilang bakasyon dahil sa surot.

Pero ang masakit, naroroon nga iyong posibilidad na madala mo pa iyang surot sa bahay mo pag-uwi. Hindi ka nakasisiguro kung walang nakasingit sa mga dala mo. Hindi ka rin nakasisiguro kung ang mga gamit mo ay naitlugan ng surot, eh ang bilis dumami niyan.

Hindi naman nakamamatay ang kagat ng surot, pero nakasisira iyan ng kutis. Eh para sa isang artistang kagaya ni Sunshine, na may ineendoso pang beauty products, kung masira ang kutis niya dahil sa kagat ng surot napakalaking disaster niyon.

The moral of the story is, huwag basta magtitiwala sa mga lugar na pupuntahan ninyo. Siguruhin muna ninyo kung ano ang sitwasyon doon. Siguruhin muna ninyo ang lahat ng pasasakyan at patitirahan sa inyo, dahil kung nandoon na kayo at saka ninyo makikita ang kapalpakan, sa halip na mag-enjoy kayo sa inyong bakasyon, dusa pa ang aabutin ninyo.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …