NAGDAAN kami sa isang malaking mall sa Pasay. Labindalawa ang sinehan doon. Sampu ang naglalabas niyong Avengers, pero sa lahat ng screening at lahat ng sinehan ay may nakalagay na “sold out”. Mayroong isa na 2D, na may nakalagay na few seats remaining, pero alas dose na ng gabi ang simula. Mayroon pang iMax ang nalagay naman ay “one seat left” at ang simula ng screening ay 1:20 a.m.
May palabas na isang pelikulang Filipino sa isang sinehan, may apat na screenings noong araw na iyon. Napakababa pa ng admission prices na P280 lang, pero walang nanonood.
Ano ang depekto ng pelikulang Filipino? Sa tingin namin, hindi napapanahon ang kuwento. Sa tingin din namin mahina ang casting ng pelikula. Kung mas sikat na mga artista sana, baka mas may laban pa iyon. Pero sa nakita namin, baka ngayon wala na sa sinehan iyon.
(Ed de Leon)