Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Snooky at Maricel, muling nagtatapatan

KUNG dati’y puro kaapihan ang drama ni Snooky, ngayon naman ay kabaligtaran na. Siya na kasi ang nang-aaapi at ito ay kay Bianca Umali sa Sahaya.

Kaya naman naninibago si Snooky pero carry pala niyang mang-api ng kapwa at maghiganti. Ang mapapansin lang, magkasabay ang teleserye nila ni Maricel Soriano na kakompetensiya niya noong araw sa popularidad.

VG Daniel Fernando, malakas ang dating

MALAKAS ang hatak ni Bulacan candidate for Governor, Daniel Fernando. Bawat bayan sa Bulakan na dinadalaw niya ay sinasalubong siya na animo’y mga tagahanga.

Matagal na rin naman kasi siyang nanilbihan at maraming natulungan kaya mahal siya ng mga kababayan niya.

Isinakripisyo nga ng actor ang mga offer sa kanyang pelikula at TV assignment para magampanan ang tungkulin sa mga kababayan.

Single pa po si Vice Gov. Daniel kaya malakas ang attraction sa mga kadalagahan.

Sheila Ysrael, gustong magbalik-showbiz

SA badminton competition ng PMPC, nakakuwentuhan ng mga press si Shiela Ysrael, lovely wife ni Sta. Rosa, Laguna Mayor, Dan Fernandez at nabanggit niyang type pa ring magbalik-showbiz.

Beauty pa rin si Sheila at hindi pahuhuli sa naggagandahan at nagpopogiang mga anak nila ni Dan.

Dr. Carolina Delloza, ibabalik ng mga taga-Baliuag

KAHIT mainit ang araw, hindi alintana ng nagbabalik kandidato para mayor ng Baliuag, Bulacan, si Dr. Carolina Delloza.

Marami siyang nagawa noon sa Baliuag kaya’t mahal ng mga kababayan. Kaya naman gusto muling iluklok siya bilang Baliuag mayor.

Rosemarie de Vera, balik-‘Pinas

SA Mayo ay magkakaroon ng Filipino show sa Los Angeles, California tampok ang dating Mutya ng Pilipinas at favorite leading lady ng mga action star, si Rosemarie de Vera.

Isa ring singer si Rose bukod sa  pagiging matagumpay na negosyante. Apat ang anak nila ni Giovanni Javier na pawang nasa LA.

For almost 20 years nagbalik-Pilipinas si Rose dahil dito ginanap ang kanyang birthday bukod sa mother niyang kasunod ding nagdiwang ng kaarawan.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …