Friday , November 15 2024

Manileño hiniling magpa-drug test ang isang kandidato

‘YAN ang hamon sa kapuna-puna at tila big­lang pagbagsak ng kalu­sugan ng isang talunang kandidato na tumatakbo ngayon Maynila.

Pansin ng mga Mani­leño ang malaking pag­ba­bago sa anyo ng kan­d­idato na hindi sintomas ng karamdaman kung ‘di posibleng pagkalulong sa masamang bisyo ng ipinagbabawal na droga.

Pagkahapis ng muk­ha, pamumutla, pangangayayat, pagkatuyot ng balat at unti-unting pagkasira ng ngipin ang ilan sa kalimitang sintomas na makikita sa mga lulong sa bisyo ng ilegal na droga.

Hindi na raw kasi nalalayo ang itsura ngayon ng kandidato sa isang dating konsehal sa 5th District na malapit pa man din sa kanya.

Bale ba, ‘batak’ ‘este ‘bata’ pa man din kung ilako niya ang kanyang sarili kaya naman dapat lang niyang tanggapin ang drug testing challenge bilang huwaran sa mga botanteng kabataan na kanyang binobola.

Kahit pa pumapangalawang malayo lang ang kandidato sa lahat ng lehitimong survey sa Maynila ay karapatan pa rin ng mga botante na matiyak na ang iboboto nila ay matino o hindi gumon sa masasamang bisyo, tulad ng pasusugal sa casino at paggamit ng ilegal na droga.

Sakaling tanggapin ng kandidato ang drug testing challenge sa kanya, para maging parehas at kapaniniwala ang resulta ay hindi siya kung ‘di iba ang dapat pumili kung saan at kailan isasagawa na maipakikita sa publiko.

Sabi nga, “The proof of the pudding is in the eating.”

Sa Capampangan, “Subukan pamu para mabalu!”

Aber!

 

TIMPALAK NG VOTE

BUYING SA MAYNILA

KUNG isang paligsahan ang vote buying ay malamang mag-aagawan sa unang puwesto ang dalawang kandidato sa Maynila bilang gold medallist.

Isa sa kanila ang tiyak na pagpipilian at itatang­hal na kampeon ng Commission on Elections (Comelec) sa pamimili ng boto na ipinagbabawal sa batas.

Kumalat sa social media nitong nakaraang linggo sa magkakahiwalay na kuha ng mga video at mga larawan ang lantarang pamimili ng boto ng kampo ng dalawang kandidato sa Maynila.

Sa kuha ng video, pinipilahan ang pamimigay ng mga sobre na naglalaman umano ng P500 sa mga nakapilang botante na kasabay na inaabutan ng election materials na may mukha at pangalan ng mga kandidato.

Sa kabilang dako naman ay may mga kuhang larawan ng iisa at magkaparehong lalaki ang house-to-house na pamimigay ng tig-P500 sa mga senior citizen na ikinakampanya ag isang kandidato.

Naka-upload din sa social media ang binu­tasang ID ng senior citizen bilang palatandaan na nakatanggap ng pera mula sa damuhong kuma­kampanya para sa kandidato.

Malamang kaysa hindi na taga-karatig siyudad ng Maynila ang pagador na napag-utusang mamili ng boto sa Maynila para sa nasabing kandidato.

Pero malinaw na malinaw ang mukha ng hinayupak na pagador na nakunan sa magkaibang lugar at pagkakataon na namimili ng boto.

Ang ID ng mga senior citizen ay binutasan bilang palatandaan na nakatanggap ng pera, base na rin sa screenshots na naka-upload sa social media.

Napaka-imposible naman yata na ni isa sa mga opisyal o kawani ng Comelec ay walang nakapanood ng videos at mga larawan na hang­gang ngayon ay pinagpipiyestahan ng netizens sa social media.

Ano ang aasahan ng mamamayan kung ngayon pa nga lang kampanya ay nakagapos na ang mga kamay at nakatakip ang mga mata ng Comelec sa lantarang pandaraya sa eleksiyon?

Aba’y, ang retrato pala ng ‘Tatlong Tsonggo’ ang mas angkop at nababagay na gamiting logo ng Comelec bilang simbolo na lumalarawan sa pagiging bulag, pipi at bingi.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *