ANG inyong mababasa ay ilan lamang sa malayang opinyon mula sa mga padalang reaksiyon ng ating mambabasa sa pitak na ito at masusugid na tagasubaybay ng programang Lapid Fire na gabi-gabing napapakinggan, Lunes hanggang Biyernes, 10:00 pm–12:00 mn, sa makasaysayang himpilan ng DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz/AM), na sabayang nasusubaybayan at napapanood ng ating mga kababayan sa buong mundo via live streaming sa Facebook at You Tube.
Malaki ang pagkakaiba ng mga reaksiyon na inyong mababasa kompara sa inilalabas na resulta ng mga commissioned survey na ang ibig sabihin ay inupahan o binayaran ng kandidato.
Una vez, ni hindi nga natin tinatanong sa readers at listeners natin kung sino sa mga kandidato ang karapat-dapat na ibotong alkalde ng Maynila.
Ikalawa, sila mismo ang nagsasabi ng malinaw na pamantayan sa pagpili ng dapat iboto, ‘di tulad sa survey na ang resulta ay ibinabase sa sagot ng respondent na kanilang natanong.
At higit sa lahat, hindi po tayo binayaran ninoman para magsagawa ng survey.
Ang mga mababasang reaksiyon ay spontaneous o kusang-loob pero mas katanggap-tanggap kaysa mga survey.
Hayaan nating sila ang magsabi kung bakit si dating Mayor Alfredo Lim ang dapat na ibotong alkalde ng Maynila.
MABUTING TAO SI LIM
MYRNA GUILLERMO (Florida, USA): “Totoo pong lahat ang mga kabutihang sinasabi n’yo tungkol kay Manila Mayor Alfredo Lim. Ang pagmamahal sa kanya ng yumao kong ama ay tataglayin ko, saan man po ako pumaroon. I am viewing here in West Palm Beach, Florida. Mabuhay po kayo at ang inyong programa na nag-iisa lamang sa mundo.”
IBALIK SI LIM SA MAYNILA!
RONALD TAYAG (Texas, USA): “Kuwento ko lang, Ka Percy. Unang sagupaan nina Mayor Lim at Erap Estrada, natalo ako ng US$50 noon sa pustahan namin ng isang kaibigan ko dito sa ‘Tate. Hindi dahil sa maka-Erap s’ya, kung ‘di marami raw mga tangang bobotante sa Maynila kaya si Erap Estrada ang pick n’ya. Tama nga naman s’ya, napatunayan ko, panalo s’ya sa pustahan namin e! Ngayon, marami pa kayang mga tanga na bobotante sa Maynila? Kung gusto ng mga Manileño ng matinong pamamalakad at tumino ang Maynila, you don’t have to be a rocket science to figure it out. Former Mayor Alfredo Lim must be put back inside the City Hall as the Mayor of Manila.”
‘WAG NANG PALOLOKO
ZOSIMO DELOS SANTOS: “Gising na, Manilans! 2 times na tayong naloko sa Manila, sana wala ng 3rd time.”
SURE WIN KUNG HINDI MADADAYA
GEORGE SANTIAGO (USA): “Basta po walang dayaan ngayon, siguradong panalo na si Mayor Lim. Mabuhay po kayo, Mayor Alfredo Lim!”
TUNAY NA MAKA-MASA
RJ RIVERA: “Si Lim ang totoong maka-masa, hindi katuLad ng ibang nagpapanggap na maka-masa daw. Si Mayor Lim, genuine ang pakikisalamuha sa mga tao at ibinibigay taLaga ang pangangaiLangan ng mga tao. Si Erap, minsan na lang makita ng tao, nananapok pa! Pamasa-masa, waLa naman naibigay na serbisyo para sa mga tao!”
HONEST MAN
JORGE BAETIONG (Tokyo, Japan): “Mag-ingat po ang mga taga-Maynila, alam n’yo ang gagawin, kunin ang pera, then Mayor Alfredo Lim is the name, ok po? Si Lim ang tunay na mayor ng Maynila. Matikas pa rin at maraming naipagawa, at takot magnakaw. The good honest man of Manila.”
GISING MANILEÑO!
TAHITI PAPETE BORABORA: ”Hype ‘yan si Erap, sa Maynila na ako tumanda pero ngayon lang talaga nababoy ang Maynila. Pls mga Manileño,makikiusap ako sa inyo na ‘wag na tayong pumayag na manatili pa sa pwesto ang mandarambong na ‘yan, maawa tayo sa mga anak natin. At ang dumi ng Maynila, halos kung kaya lang niya ibenta ang buong Maynila ay gagawin. Sakim sa pera ‘yan, walang kabusugan, ‘di naman madadala sa hukay ang mga pinagnanakaw n’ya. Gising mga Manileño!”
SA IKABUBUTI NG MANILEÑO SI MAYOR LIM
KA CESAR SENETA (Brodkaster/Canada) – “Mayor Alfredo Lim po tayo. Katulad ni Duterte matanda na kaya wala nang gagawin ‘yan kung ‘di ang ikabubuti ng mga Manileño. Hindi na magpapayaman ‘yan, tulad ni Duterte na galit din sa droga.”
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
KALAMPAG
ni Percy Lapid