DAPAT pagpaliwanagin ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa pakay ng kanyang pagbisita sa isang pagtitipon ng Members of the Church of God International, kamakailan.
Ang MCGI ay pinamumunuan ni Eliseo F. Soriano (a.k.a. Bro. Eli) na convicted at fugitive leader ng grupong tinatawag na Ang Dating Daan (ADD).
Sakaling hindi alam ni Amb. Mauro, si Bro. Eli ay puganteng kriminal na wanted sa bansa dahil sa kasong rape at kamakailan ay nahatulang guilty ng Korte Suprema sa hiwalay na kaso.
Base sa record, si Bro. Eli ay nakatakda sanang basahan ng sakdal ng mababang hukuman sa kasong rape pero hindi siya sumipot sa itinakdang arraignment noong June 2, 2009.
Sadyang hindi dumalo si Bro. Eli sa itinakdang pagbasa ng sakdal laban sa kanya sa kasong rape na walang piyansa at nadiskubre ang kanyang pagtakas palabas ng bansa noong December 14, 20015.
Kalaunan ay natuklasan na si Bro. Eli ay doon nagtatago sa Brazil na wala tayong ‘extradition treaty’ na maaari siyang ipatapon pabalik sa bansa upang harapin ang paglilitis sa kasong rape laban sa kanya.
Sa pagkakatanda natin, ang pangalan ni Bro. Eli ay nasa “red notice” ng International Police (Interpol) at saan man teritoryo sumayad ang kanyang paa na mayroon tayong extradition treaty ay maari siyang arestohin.
Halimbawa, sa sandaling tumapak ang paa ni Bro. Eli sa Philippine Embassy doon sa Brazil ay maaaring ipatupad ang pag-aresto sa kanya at isuko siya sa Interpol dahil ang embahada ay itinuturing na teritoryo ng ating bansa.
Sa pagkakaalam din natin, si Bro. Eli ay humahawak ng Brazilian passport kaya’t maaari lamang siyang maaresto oras na siya ay tumapak sa ating embahada sa Brazil. Walang kamalay-malay si Amb. Mauro na highly questionable at anomalous ang kanyang pakikisalamuha kay Bro. Eli na wanted sa batas.
Alam natin na hindi batid ni Amb. Mauro at ng ibang mga opisyal sa pamahalaan na puganteng kriminal si Bro. Eli at kaya nasa Brazil ay para magtago. Marami na ang kumukuwestiyon sa mga kuhang larawan ni Amb. Mauro sa okasyon ng MCGI kasama si Bro. Eli na ikinalat at ipinagyayabang pa ng mga damuhong ADD.
Biktima rin ng pagbabangong-puri ni Bro. Eli sina Pres. Rodrigo “Digong” Duterte at Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar Albayalde. Gaya ni Amb. Mauro, alam natin na wala silang muwang sa kasong rape na kinakaharap ni Bro. Eli sa bansa.
Ikinakalat din ng ADD ang video ng pagbati nina Pang. Digong at Gen. Albayalde sa kaarawan ni Bro. Eli, pati na ang milyones na donasyon ng samahan sa PNP.
Puwes, para sa kabatiran ng mga opisyal sa pamahalaan na posibleng mabiktima ng modus para magamit na deodorizer, narito ang sipi ng ibinabang resolusyon ng Supreme Court sa naibasurang petisyon ni Bro. Eli sa kasong rape na pirmado ni Division Clerk of Court Wilfredo V. Lapitan:
“Please take notice that the Court, Third Division, issued a Resolution dated October 1, 2014, which reads as follows: G.R. No. 204839 (Eliseo F. Soriano v. People of the Philippines and Daniel Veridiano) – Eliseo Soriano is known as the supreme head of the Church of God International or Ang Dating Daan. One of his followers, Daniel Veridiano, who worked as the assistant general-secretary of said church, filed two criminal cases for Rape against him docketed as Criminal Case Nos. 06-3898(M) and 06-3899(M). However, on the date of the scheduled arraignment, Soriano did not appear.
Further, Soriano has lost his standing in court. Records show that he was absent at his arraignment on June 2, 2009 because he was already out of the country, having left on December 14, 2005, and has not returned since then. His flight to a foreign country manifests his intention to escape from the jurisdiction of the courts and not to be bound by their lawful processes.
WHEREFORE, the petition is DENIED for failure of petitioner to show any reversible error in the assailed CA decision. SO ORDERED.”
Sa pagkakaintindi natin, ang GR number ay tinatawag na entry of judgment, na ang ibig sabihin ay final and executory. Walang ibang hukuman ang makapagpapabago sa desisyon kung ‘di ang Korte Suprema lang din mismo, hindi ang alinmang korte sa bansa.
Nasa DFA na ang bola para pagpaliwanagin si Amb. Mauro at warningan sa PROPRIETY ng kanyang mga aktibidad at pakikitungo sa tulad ni Bro. Eli na wanted criminal.
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
KALAMPAG
ni Percy Lapid