Monday , December 23 2024

Lim, kabahagi sa tagumpay ng 2019 PNPA valedictorian na si Lt. Jervis Allen Ramos

NASISIGURO nating ikinagagalak din ni dating Manila Mayor Alfredo Lim ang tagumpay ni Police Lieutenant Jervis Allen Ramos, ang vale­dictorian ng Sansiklab Class 2019 ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Tiyak na feeling proud si Lim sa tulad niyang isinilang at lumaki sa Tondo dahil si Ramos ay produkto pa ng Universidad de Manila (UDM) na naipatayo ng muling tumatakbong alkalde ng Maynila.

Si Ramos ay mabuting halimbawa ng pagtitiyaga na dapat tularan ng mga kabataan, lumaki siyang may takot sa Panginoon kaya naman naging mabuti at masunuring anak din sa kanyang mga magulang.

Ang tagumpay ni Ramos ay katuparan na rin ng pangarap ni Lim na ipinursiging maitatag ang UDM at libreng college education para sa mga kabataang nagmula sa mahihirap na pamilya ng lungsod.

Naalala natin na noong si Lim pa ang nakaupong alkalde ng Maynila, isang kasamahan sa dating radio station na ating pinanggalingan ang lumapit sa atin at nakiusap na matulungan ang anak na makapasok sa UDM.

Ayon sa dati nating kasamahan, nais ng kanyang anak na makapagtapos ng criminology at napag-alaman nila na sa UDM pinakamahusay ang turo ng kurso para sa mga ngangarap maging pulis.

Marahil ay nakapagtapos na ang anak ng dati nating kasamahan na naipakiusap nating makapasok sa UDM at isa nang ganap na pulis ngayon, sa tulong ni Lim.

Si Ramos ay ehemplo ng malimit bigkasing pangaral ni Lim sa mahihirap na, “Edukasyon lamang ang tanging susi para ang tao ay lumaya sa kahirapan.”

Napatunayan din ito ni Ramil Comendador, isang dating janitor sa Commission on Elections (Comelec), na nakapagtapos ng kursong abogasya sa UDM at pumasa sa bar exams taong 2016.

Sabi nga ni Lim, hindi dapat maging hadlang ang kahirapan sa sinomang naghahangad na makatapos ng pag-aaral.

Ang UDM ay isa sa mga markadong legacy ni Lim sa Maynila at maituturing na kabahagi siya sa tagumpay ng bawa’t kabataan na nakapagtapos ng edukasyon sa UDM na gaya ni Ramos.

Kaya naman may katuwiran si Lim na buweltahan ang mga paninira ng kanyang mga kalaban at sabihing, “Wala sila sa akin!”

KASO NG BULLYING SA LA PAZ ELEM SCHOOL SA MAKATI CITY

ISANG linggo pa lang ang 2018-2019 School Year, nagsimula nang dumanas ng pambu-bully ang isang siyam na taong gulang na bata sa La Paz Elementary School sa Makati City.

Makalipas ang isang buwan ay saka lamang nakapagsumbong sa mga magulang ang dinaranas na pagmamaltrato ng kaeskuwela sa bata.

Agad na ipinarating ng magulang ang sum­bong ng bata kay teacher Leonida Alicante, Grade III God Centered class adviser, na nangakong ipatatawag ang magulang ng isinumbong na bata.

Pero walang nangyari sa sumbong na naiparating din sa kaalaman ni teacher Alma Sta. Cruz, guidance counselor, at imbes matigil ay patuloy ang kalbaryo ng bata.

Ayon sa ina, minsang humantong pa sa pisikal na pananakit ang insidente ng pambu-bully sa kanyang anak.

Ilang beses tinangka ng ina na idulog kay principal Renante Corpuz ang hindi inaaksiyonang kaso, pero sa pakiusap nina Alicante at Sta. Cruz ay hindi natuloy.

ILang araw na lang ay matatapos na ang klase pero bigo ang idinulog na reklamo sa mga nabanggit na guro ng naturang paaralan.

Alam kaya nina Alicante at Sta. Cruz ang kanilang responsibilidad bilang mga guro sa ilalim ng Republic Act 10627, na mas kilala sa tawag na Anti-Bullying Act of 2013 dahil sa hindi nila pagtugon sa reklamo?

Puwes, sina Alicante at Sta. Cruz ay posibleng mapatawan ng parusa kapag pormal na naghain ng kaso ang magulang ng biktima sa Department of Education (DepEd), gaya ng nasasaad sa Section 6 na:

“In the rules and regulations to be implemented pursuant to this Act, the Secretary of the DepED shall prescribe the appropriate administrative sanctions on school administrators who shall fail to comply with the requirements under this Act.”

Aantayin po namin ang sagot o paliwanag mula sa dalawang nabanggit na guro o sinomang kinauukualan ng La Paz Elementary School.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *