Monday , December 23 2024

Lim sa Maynila; Calixto sa Pasay

NGAYONG araw ang simula ng opisyal at naaayon sa batas na pangangampanya para sa mga lokal na kandi­dato sa buong bansa.

Umpisa na ng kam­panya pero bigo ang mga katunggaling kadi­dato nina dating Mayor Alfredo Lim sa Maynila at Rep. Emi Calixto-Rubiano sa Pasay na maiangat ang kanilang sarili sa mga totohanang survey.

Sina Lim at Calixto-Rubiano ay kapwa biktima ng mga ‘black propaganda’ na nagmula sa kampo ng kanilang mga kalaban sa politika.

Pero imbes makasira ay nakatulong pa ang mga paninira na maagang pinakawalan ng mga kalabang kandidato na lalo lamang nagpaangat kina Lim at Calixto-Rubiano sa mga lumabas na resulta ng survey mula pa noong Disyembre 2018 hanggang ngayong Marso 2019.

Tinangka pang linlangin ng mga kalaban nina Lim at Calixto-Rubiano ang publiko, pero agad din nabistong ‘fake’ ang mga inilabas nilang survey sa ilang pahayagan.

Sa isang banda, ang mga kalaban na rin na nagpakalat ng mga paninira laban kina Lim at Calixto-Rubiano ang gumawa ng kanilang ika­sasama.

Ngayong hindi umepekto ang mga black propaganda at nabisto ang mga paninira, paano pang mananalo ang mga kalaban nina Lim at Calixto Rubiano kung ang kanilang mga sasabihin sa kampanya ay hindi na paniniwalaan ng mga botante?

Aray ko po!

 

KANDIDATONG KONSEHAL

SA 5TH DIST RESIGNED  

PERO PUMAPASOK PA RIN

NAGTATAKA ang ilang empleyado kung bakit nakikita pa raw nilang nagsasadya sa kanyang dating opisina ang isang Joey Cabreza sa Manila City Hall.

Si Cabreza, dating OIC ng Civil Registry Office, ay tumatakbo raw na Konsehal sa 5th District ng Maynila sa partido ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

Ang hindi ko lang tiyak ay kung ang Cabreza na isinusumbong sa atin at ang ilang ulit nang natalo sa pagtakbong konsehal sa tiket noon ni Amado Bagatsing ay iisa.

Sa pagkakaalam natin, ayon sa batas, ay considered resigned na dapat si Cabreza kasabay ng paghahain ng certificate of candidacy noong October 2018 sa pagtakbong konsehal.

Hindi maiwasan na may magtanong kung bakit lumulutang pa rin si Cabreza sa dating opisina sa City Hall kahit ipinagbabawal na sa batas.

Palusot daw ni Cabreza, tinutulungan lang daw niya ang mga lumalapit na constituent sa pagkuha ng mga dokumento sa City Hall, gaya ng birth certificate; marriage certificate; at death certificate.

Aba’y, bukod sa paglabag sa eleksiyon, hindi ba “usurpation of authority” ang tawag diyan?

Awtomatikong wala na sa serbisyo si Cabreza kasabay ng kanyang paghahain ng COC sa Commission on Elections (Comelec) noong nakaraang taon.

Alam kaya ni Cabreza na kung totoo ang sumbong na nakarating sa atin ay puwede siyang madiskalipika bilang kandidato at tuluyan nang hindi makahawak ng anomang trabaho sa gobyerno?

Toto rin ba ang balita na ang naging puhunan ni Cabreza para mapuwesto ay murahin si Mayor kapag kaharap niya si Erap at mga alipores nito?

Ayon sa sumbong, nang mabigyan daw ng puwesto itong si Cabreza ay akala mo kung sino na ipinatawag ang mga empleyado na napasok sa administrasyon ni Lim.

Ano naman kaya ang nagawang kasalanan ni Lim kay Cabreza para pagmumurahin nang talikuran?

Sakaling may nagawang atraso si Lim kay Cabreza, bakit hindi niya pinuntahan para pagmumurahin nang harapan?

Ang hirap kay Cabreza, wagas kung maka­pag­mura kapag talikuran.

Sino ka bang hindoropot ka?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

 

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *